KINABUKASAN, nagpirmahan na ng kontrata sina Dick at Mr. Jorge para magsuplay ng mga dumaÂlagang itik sa food court ng mall ng Tsinoy sa Ongpin. Malaking halaga ng pera ang sangkot sa pirmahang iyon. Tuwang-tuwa si Mr. Jorge sa pagpayag ni Dick na magsuplay ng dumalagang itik.
“Pareho tayong makiÂkiÂnabang, Dick. Maraming salamat at pumayag ka na suplayan ako. Tiyak na tataob na ang mga restaurant dito at dito sa food court ko magdadagsaan ang mga customer.’’
“Ikaw pa lang ang una kong pinahintulutan na magbenta ng mga dumalaga ko, Mr. Jorge. Mayroon ding isang businessman na inaawitan ang mga dumaÂlaga ko pero tumanggi ako. Kasi, iba ang gagawin niya sa produkto ko.’’
“Sino ang businessman na ‘yun, Dick? Baka kilala ko.’’
“Tsinoy siya. Yung may-ari ng Ms. University.’’
‘‘A, si Mr. Chan. Tama ang desisyon mo na hindi siya ang binigyan mo ng pahintulot, Dick.’’
“Bakit, Mr. Jorge?’’
“Hindi naman sa sinisiraan ko ang kapwa ka-Intsik pero marami akong naririnig na masamang balita kay Chan. Parang hindi maganda ang pamamalakad niya sa negosyo. Marami siyang inaÂaping empleado at iyan ay hindi maganda. Dapat parehas siya. At saka yung Ms. University niya, marami akong nalaman ukol doon pero saka na lang natin pagkuwentuhan yun. Basta ang mahalaga, magpartner na tayo, Dick.’’
“Oo, Mr. Jorge.’’
“Magiging maganda ang resulta ng parnertship natin, Dick.
Napatango si Dick. Iyon din ang kutob niya.
SAMANTALA, wala namang nasa isip si Jinky ng mga panahong iyon kundi ang maisauli sa lalaki ang beltbag na nakita niya. Aywan kung bakit ganoon ang kanyang pagnanais na makita ang lalaking may-ari ng beltbag.
Hanggang isang araw, ipinasya niyang hanapin ang lalaki. Hawak niya ang kapirasong papel na may address at cell phone number.
Nagbihis si Jinky. Pupunta siya sa bayan ng Socorro at hahanapin ang nakasaad na address.
(Itutuloy)