Umiwas sa leptospirosis
KAPAG tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagbaha sa maraming lugar. Di man natin gusto, madalas ay napipilitan tayong lumusong sa baha. Bukod sa iba’t ibang uri ng skin disesases na makukuha sa baha, nandiyan din ang panganib ng leptospirosis. Delikado ang sakit na ito kapag hindi naagapan. Heto ang ilang bagay na dapat nating malaman sa leptospirosis:
Ito ay dala ng mikrobyong “leptospira,†isang uri ng bacteria. At dahil bacteria ang sanhi, puwedeng masugpo ito ng antibiotiko. Dapat lamang ay maagap ang pagdalo sa kondisyon.
Nakapapasok ang mikrobyong leptospira sa mga sugat ng balat kapag lumusong sa baha, gulayan, o putikan na kontaminado ng ihi ng impektadong hayop, kasama na ang mga daga.
Anu-ano ang mga sintoma nito?
• Lagnat
• Pananakit ng kalamnan at ulo
• Pananakit ng kalamnan sa binti (“calf musclesâ€) at pamumula ng mata
• Kung matindi na ang kaso, nadadamay na ang ating atay, bato, o utak (nagkakaroon ng paninilaw ng balat, kulay-tsaang ihi, maputlang kulay ng pupu, kakaunting pag-ihi, at sobrang tinding pananakit ng ulo)
Paano ito ginagamot?
• Kailangang uminom ng antibiotikong bigay ng doctor
• Mahalagang maagang masimulan ang gamutan sa loob ng 2 araw matapos magka-lepto para makaiwas sa mga komplikasyong puwedeng ikamatay
Paano maiiwasan?
1. Iwasang lumusong sa baha
2.Gumamit ng anumang anyo ng proteksyon gaya ng bota o guwantes kapag kinakailangang lumusong sa baha
3. Sugpuin ang pagdami ng mga daga sa bahay (mouse traps, rat poison)
Nakamamatay ang leptospirosis kaya nararapat kumunsulta agad sa doktor.
- Latest