KAHIT pa mapagtibay ang panukalang batas ni Sen. Miriam Defensor Santiago na magpaparusa sa magpapadrino sa mga promosyon sa gobyerno, malabong magtagumpay ito sa bansa.
Likas na sa kultura ng mga Pilipino ang padrino system tulad na lang sa kumpadre at kumadre system na normal magbigay ng pabor sa bawat isa.
Kung sakaling mapagtibay ang padrino system, ang mapipigilan lang dito ay ang mga written recommendation. Magpapatuloy ang mga verbal at personal na pakikipag-usap ng isang opisyal sa kanyang kapwa opisyal ng gobyerno hinggil sa kung sino ang gusto nitong irekomenda.
Sadyang ugali na ng mga Pinoy na kahit kababayan tulad ng iisang pinagmulan ng bayan o probinsiya ay magaan ang loob dito at agad nabibigyan ng pabor upang ipadrino.
Wala namang masama sa padrino system kung hindi lang naman ito inaabuso ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Isang halimbawa ay ang pagsusumikap ng isang opisyal ng gobyerno na maitaas ng ranggo o mabigyan ng magandang posisyon ang kanyang tauhan. Sa dakong huli ang makikinabang dito ay ang nagrekomenda.
Isang halimbawa ng pag abuso ay kung sumabit ang inirekomenda. Makabubuting agad na sibakin at hindi dapat payagan ng mga padrino.
Tulad sa Bureau of Customs at iba pang ahensiya ng gobyerno na masama ang padrino system. Mayroong mga opisyal dito na nais ng ilipat ng puwesto o mapasama sa balasahan pero dahil kilaÂlang malapit sa isang mas mataas na opisyal na kanilang padrino, hindi sila nagagalaw o nalilipat na posisyon.
Nakakatawa naman ang panukala ni Sen. Chiz EscuÂdero na tanggalan daw ng bulsa at drawer ang mga lamesa sa Customs dahil sa malawakang kotongan doon.
Dapat alamin ni Escudero ang ulat na tuwing Biyernes ay nagkakaabutan nang malaking envelop sa Emerald ResÂtaurant sa Maynila. Ngayon ay mayroon namang ulat na sa Solaire Hotel na ang abutan ng envelop na naglalaman nang malalaking halaga.
Bukod dito, kung walang mga bulsa o drawer ang mga lamesa ay puwede namang idaan na lamang sa ATM machine ang lagay ng mga may transaksiyon sa Customs.
Kung sabagay ay hindi ko masisisi si Escudero dahil sobrang dismayado na ito sa talamak na katiwalian sa Customs kaya nais nito na magsulong ng reporma sa lalong madaling panahon.
Kung talagang magkakaroon nang malawakang reporma sa Customs, makabuÂbuting sibakin na ang lahat ng opisyal at empleyado upang matiyak na magiging malinis ang sistema sa ahensiya.