PATULOY na sumasamÂbulat ang anomalya sa paggaÂmit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.
Tila hindi na makaiiwas pa si Agriculture secretary ProÂseso Alcala sa pagkakada-wit ng kanyang pangalan sa pork barrel scam. Mismong si Alcala pa ang nagpromote sa isang opisyal na naunang nadawit sa kontrobersiyal na fertilizer fund scam.
Makakabuting magbaÂkasÂyÂon o magbitiw na si Alcala habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol dito. Kailangang humarap siya sa isasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso upang malinis ang kanyang pangalan.
Umaasa ako na hindi magpapasaklolo si Alcala kay President Noynoy Aquino. Baka gayahin niya ang diskarte sa Arroyo administration na ayaw sumipot sa Senate at House inquiry dahil ginagamit ang karapatan upang huwag dumalo kaugnay ng self incrimination.
Usap-usapan sa Quezon na napakalaki raw ng ginastos ni Alcala sa kandidatura ng kanyang anak pero hindi naman nanalo. Pero hindi ko maaaring akusahan at husgahan si Alcala kung saan kinuha ang sandamukal na salapi na ginastos noong nakaraang eleksiyon kahit pa isinasangkot sa pork barrel scam. Hindi dapat palampasin ang pagkakadawit kay Alcala sa sinasabing operasyon ni Janet Lim Napoles na sangkot umano sa P10 billion pork barrel scam.
Nararapat harapin ni Alcala ang imbestigasyong isasagawa.Magandang pagkakataon ito upang malinis ang kanyang pangalan.
Atat naman si DOJ secretary Leila de Lima na mag-absuwelto kay Alcala at iba pang administration senators kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon ng NBI. Dahil ba kapwa niya ito miyembro ng Cabinet samantalang ang tatlong senador na naunang napaulat ay agad din niyang nilinaw ang pangalan. May kinalaman kaya ito upang mabilis na makumpirma ang kanyang appointments. Sa nakaraang 15th Congress ay hindi siya nakumpira sa CA kaya kailangang kumpirmahin muli ang appointments ngayong 16th congress.
Sana magising sa katotohanan si P-Noy na mayroon siyang itinuturing na kaibigan pero inaabuso ang kanyang kabaitan.