^

Punto Mo

Dagdagan ang pulis sa crime prone areas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigpit ang kautusan ni NCRPO chief Director Marcelo  Garbo sa lahat ng district director sa Metro Manila na  sugpuin ang laganap na petty  crimes sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay lalo pa nga’t tinukoy na ang mga crime prone areas sa Ka-lakhang Maynila na dito madalas ang nagaganap na mga holdapan,  snatching at pandurukot sa marami nating mga kababayaan.

Matagal na nating ipinanawagan sa pulisya na matutukan ang mga lugar nilang binabanggit gaya nga ng sa Aurora Cubao at sa may Taft sa Pasay.

Marami na rin namang natanggap na sumbong  ang inyong Responde ukol dito, kaya nga noon pa lang hiniling na natin na palakasin dito ang police visibility.

Ang isa pa kasing problema dito bukod nga sa walang nagbabantay  o nakatambay na pulis napakadilim pa ng lugar.

Tulad sa Aurora,  madilim na natatakpan pa ang mga bubong na malalaking payong ng mga nagkalat na  vendor sa pallgid kaya yung mga sinasabng ‘tutok kalawit’ hindi agad nakikita kapag nambibiktima na.

Kahit sa mga overpass dyan sa Cubao takot daanan dahil sa sangkaterba ang nag-aabang na mga kawatan. Grabe na rin ang vendor sa itaas na dapat na ring linisin ng mga kinauukulan.
Maging dyan sa Taft sa ilalim ng LRT station sa Pasay talamak din ang nakaabang na mga kawatan. Yon din ang isa sa problem , madilim ang lugar kaya doon nagpipiyesta ang  mga kriminal.

Siguro dapat na magtulong dito ang pulisya at lokal na pamahalaan para mailawan at malinis ang mga sagabal na nagpapadilim lalo sa lugar.

Dapat 24 oras ang nagbabantay na pulis sa mga crime prone areas na tinukoy para hindi masalisihan ng masasamang elemento.

Kita naman kasi na talagang sunud-sunod ang pag- atake ng mga kawatan sa kasalukuyan kahit nga sa mga bus sunud-sunod na naman ang holdapan. Wala nang pinipi-ling oras ang mga kawatan, mapa-umaga at gabi tumitira kaya nga kailangan talagang matutukan ito ng mga awtoridad.

Malaki ang inaasahan ng marami nating kababayan sa bagong NCRPO chief na masusugpo ang ganitong mga krimen lalo na nga sa tinukoy nilang crime prone areas na dapat doon sila maglagay ng mas maraming pulis na magbabantay.

Aantabay tayo kung paa-no malilinis ang mga lugar na Ito.

AANTABAY

AURORA CUBAO

CUBAO

DIRECTOR MARCELO

METRO MANILA

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with