‘Dementia’

SA jologs, ulyanin ang tawag. Sa mga sosyal, Alzheimer’s disease o dementia. Magsimula kang mag-brain training as early as 30 years old. Base sa pag-aaral, ang taong laging na-e-exercise ang utak ay mas maliit ang tsansang maging ulyanin. Anu-ano ang activities na maaaring makapag-exercise ang utak?

Pagsagot sa crossword puzzle, paglalaro ng chess at pagsusulat ng mga bagay tungkol sa iyong sarili.

Palagiang pagbabasa ng libro.

Pakikipagsulatan o pakikipag-e-mail sa mga kaibigan.

Kung kaya ng budget mo, mag-aral ng ibang wika.

Mag-aral ng quilting, painting, pananahi at iba pang craft na nagbibigay ng interest sa iyo.

Magluto o mag-gardening.

Magpaturo ng computer games sa inyong mga anak.

Regular na mag-pisikal exercise.

Isinisisi sa poor diet ang pagiging ulyanin. Sa isang pag-aaral na isinagawa, ang taong mahilig kumain ng mga pagkaing mamantika ay malaki ang tsansang maging ulyanin. Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin E, A at C ay nakakatulong upang maiwasan ang sakit na pagka-ulyanin.

Ang mga pagkaing dapat nating kahiligan para hindi tayo maging ulyanin ay ang mga sumusunod: avocado, iba’t ibang klaseng nuts, strawberry, duhat, prunes, spinach, broccoli, talong, dalanghita at mga kauri nitong citrus fruits, red wine, green tea, saging, kalabasa, oats, salmon, tuna. Kung mahilig ka sa pritong pagkain, gamitin ang canola, olive oil or soya oil. Mahal ang ganitong klaseng mantika kumpara sa pangkaraniwang mantika pero kung mahal mo ang iyong kalusugan, siguro nama’y hindi masamang magdagdag ng kaunting halaga sa budget mo sa cooking oil.

Show comments