^

Punto Mo

Gulo sa registration

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NAKAKAGULAT ang pagkakagulo noong Miyerkules sa huling araw ng pagpaparehistro ng mga botante para sa barangay at SK elections sa Oktubre. Pang-national elections ang level ng dagsa ng mga tao, gayundin ang mga isyung nag-ugat mula rito. Pero bakit nga ba napakaraming tao ang nagkukumahog para magparehistro?

May nagsasabing mga “hakot” lamang ang karamihan sa mga ito. Mga hinakot na informal settlers ng mga opisyal at mga kumakandidato dahil pinangakuan silang hindi ire-relocate.

Napakinggan ko si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa isang panayam sa radio kung saan sinabi niyang isang milyon lamang ang inaasahan nilang bilang ng mga bagong botanteng maaaring magparehistro, lalo na at katatapos lamang ng election noong Mayo. Kaya naman ang isa sa mga tinitingnang anggulo ay ang posibilidad ng multiple registration. Pero biometrics na raw ang sistema ngayon kaya mas madali nang matsi-check ang identity ng mga botante.

Isa pang posibleng dahilan ay ang mga naglilipat ng barangay dahil mga ni-relocate sila sa bagong bayan. Kung madami ang na-relocate, talagang marami ang maaasahang new registrants sa mga barangay. Ang kaso, hindi naman daw ganoon ang dami ng mga ni-relocate nitong mga nagdaang buwan. At ang requirement para makapagparehistro at makaboto sa bagong lugar ay at least anim na buwang paninirahan doon.

Kaya naman hindi maiiwasang may mga nagsasabing pampagulo lang ang karamihan sa mga nakapila noong Miyerkules, lalo na at last day. Dahil tinatayang 500 lamang ang mga botanteng maaaring magrehistro kada araw sa mga baranggay, may mga naghihinalang inuubos lamang ng mga “panggulo” at pinatatagal ang oras para makapagtala ang mga legal na botante. Gayong wala naman daw intensiyon ang mga ito na talagang bumoto kundi makapanggulo lang.

 Panghuling dahilan – ang mañana habit ng mga Pilipino. Kung kailan deadline saka magpaparehistro.

Pagpaparehistro lang ito pero magulo na, ano pa sa darating na election.

vuukle comment

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

DAHIL

GAYONG

ISA

KAYA

MIYERKULES

NAPAKINGGAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with