MAYROON nang katibayan na ang mga bus ang nagpapatrapik sa lansangan. Sa Maynila na lamang, mula nang pagbawalan ang pagpasok ng mga bus, biglang lumuwag ang mga pangunahing lansangan --- España Blvd., Quezon Blvd., Legarda, Recto Avenue, Taft Avenue, Pedro Gil at iba pang mga major roads. Hanggang ngayon, hindi pinaÂpayagan ang mga bus na makapasok sa Maynila maliban sa mga may terminal.
Dalawa ang nalutas na problema sa Maynila: Trapik at ang paglipana ng mga colorum buses. Umano’y karamihan sa mga bus na pumapasok sa Maynila ay walang prankisa. Ang mga bus na bumibiyahe sa Maynila sa matagal na panahon ay pawang colorum.
Ang ginawang paghihigpit sa mga colorum na bus sa Maynila ay tila nagbigay ng inspirasyon kay Metro Manila DeÂvelopÂment Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, Kahapon, 20 colorum na bus na bumibiyahe sa EDSA ang kanilang hinuli. Tinaguriang “Oplan Goliath†ang kampanya ng MMDA katulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Dinala ang mga bus sa impounding area. Bukod sa mga colorum buses, hinuli rin ang mga namamasadang pribadong sasakyan sa EDSA. Ayon kay Tolentino, marami pa sanang colorum ang mahuhuli nila kahapon subalit nakatunog umano ang ilan kaya hindi na bumiyahe sa EDSA.
Mga colorum na bus ang nagpapatrapik sa EDSA at marami pang lansangan sa Metro Manila. Napatunayan na ito sa Maynila. Ngayong naumpisahan na ang paglambat sa mga colorum, dapat gawin nang regular ang paghuli sa mga ito. Isagawa nang biglaan ang paghuli para hindi makaiwas ang mga colorum. Hindi naman sana ningas-kugon ang kampanyang ito. Lagi rin namang suwetuhin ang mga traffic enforcers na nangongotong. Walisin din ang mga kotongero.