MAY isang panahon sa America na usong-uso ang pagpapalagay ng advertisement sa diyaryo upang makapaghanap ng mapapangasawa. Ito ay ’yung panahong isang panaginip lang ang internet. Isang araw ay may lumabas na mapanuksong ad sa Atlantic Daily, diyaryo sa Atlanta Georgia:
Isang babaeng Black ang naghahanap ng lalaking kakasamahin sa buhay. Hindi importante kung ano ang kanyang lahi. Isa akong magandang babae, game sa mga mahilig makiÂpaglaro. Ang ilan sa mga hilig ko ay hunting, camping at fishing.
Oh, I love candlelight dinner at sinusubuan ng pagkain gamit ang iyong kamay. Gustung-gusto kong hinahagod ang aking likod … and watch me respond. Pagdating mo sa bahay, madadatnan mo akong naghihintay sa iyo sa may pintuan…wearing only what nature gave me. Kiss me and I’m yours.
Sa mga interesado, tawagan lang ang mga sumusunod na mga telepono:------ at hanapin si Lovely.
Higit sa 10,000 lalaki ang tumawag sa telepono, para lang matuklasan na ang tinatawagan nila ay Atlanta Humane Society, isang agency na nagpapaampon at nagliligtas sa mga palaboy na aso, pusa at iba pang pets sa buong komunidad. Humahanap sila ng taong puwedeng mag-ampon sa isang 6-week old black Labrador puppy.
Ang mga lalaki talaga…