HANGGANG ngayon, isang malaking palaisipan pa rin kung bakit pawang matatandang babae ang biniktima ni Juana Barraza, ang Mexican na nahatulan ng 759 na taong pagkabilanggo dahil sa krimen. Ayon sa awtoridad nasa 29 hanggang 49 ang pinatay ni Barraza. Pero ang sabi ni Barraza, apat lamang ang biktima niya. Si Barraza ay isang professional wrestler.
Ipinanganak si Barazza noong 1956. Ang kanyang ina ay alcoholic. Mula pagkabata, pawang pagmamalupit na umano ang naranasan ni Barraza sa kanyang ina.
Ang pinaka-matinding kalupitan na naranasan umano ni Barraza sa kanyang ina ay nang ibenta siya nito sa isang lalaki, kapalit ng tatlong bote ng beer.
Paulit-ulit na ginahasa si Barraza ng lalaki. Nabuntis si Barraza at naÂnganak ng lalaki. Nasundan pa ang pagbubuntis niya at nanganak pa ng tatlo.
Ayon sa awtoridad, nagsimula ang pagpatay ni Barraza noong 1990. Pawang ang biktima niya ay mga matatandang babae na ang edad ay 60 pataas.
Pawang matatanda na nag-iisang namumuhay ang target niya. Isa sa modus ni Barraza ay magkukunwaring government official para makapasok sa bahay ng matanda. Kapag nakaÂpasok na sa bahay, papatayin na niya ang matanda at saka pagnanakawan. Sinasakal umano ni Barraza ang kanyang mga biktima hanggang sa mamatay.
Nahirapan ang pulisya kung paano mahuhuli ang “killer ng mga matatandang babaeâ€. Batay sa mga testigo, lalaki ang killer na nakasuot babae. Malaki umano ang katawan ng killer.
Kaya nang mahuli si Barraza makaraang patayin ang huli niyang biktima, nagulat ang mga pulis saÂpagkat isa pala itong babae.
Noong 2008, nilitis siya at napatunayang guilty. Hinatulan siyang mabilanggo ng 759 years.