Food Scandal

Paprika na may lead paint

Importante sa Hungarian foods ang paprika. Palibhasa ay ito ang number one spice sa Hungarian cuisine, napakamahal ng paprika sa bansang ito. Nong 1994 ay ilang manufacturer sa Hungary ang nabistong  nagdagdag ng lead paint sa paggawa ng paprika powder upang bumigat ang timbang at maging maganda ang kulay nito. Ang kalokohang to ay nagresulta ng kamatayan sa mga consumer at ang iba ay nagkasakit. Ang gobyerno ng Hungary ay gumamit na ng kamay na bakal upang hindi na maulit ang nangyari.

Rat Meat na ibinebenta bilang Lamb Meat

Ang daming problema ng Chinese government dahil masyadong “creative” ang food manufacturers sa kanila, noon fake eggs, tapos, black pepper na putik lang pala. Ang sumunod ay pagbebenta ng rat meat pero kunwari ay sosyal na lamb meat.

Lason na Cooking Oil

Noong  1981 ay maraming nagkasakit sa baga at namatay. Natuklasan ng mga otoridad na ang culprit ay ang ginagamit nilang  cooking oil na colza oil. Kahalintulad daw ito sa motor oil. Ang colza ay ibinebenta sa kalye bilang first class na olive oil pero sa murang halaga.

Pumuputok na Pakwan

Nagtataka ang mga consumers sa China kung bakit ang pakwan na bagong harvest ay sumasabog na parang may bomba sa loob. Nabisto ng gobyerno na ang mga magsasaka ay gumagamit ng chemical na kung tawagin ay forchlorfenuron. Inihahalo ito sa lupang pinagtataniman  upang mamunga ito ng mga super laking pakwan. Kaso hindi nila napag-aralan na ang pakwan ay sensitive sa chemical na ito kaya habang lumalaki ang bunga, ito ay tumutuloy sa pagsabog. Nangyari ito noong 2011 sa isang probinsiya sa China. Naipalabas pa ito sa telebisyon. Sa halip na kumita nang malaki, sumabog sa ere ang lahat ng kanilang ani.

 

Show comments