AYON sa mga eksperto, ang pakwan ay isa sa pinakamagandang prutas. Malamig, matamis at nakagiginhawa ang pagkain ng pakwan. Ang pakwan ay may 92% alkaline water at mabuti ito sa ating kidneys, pantog, sikmura at bituka.
Maraming vitamin A, vitamin C at potassium ang pakwan. Nakatutulong din ito sa mga may bad breath, sore throat, singaw at impeksiyon sa ihi. At hindi lang iyan, alam mo ba na may tulong din ang pakwan sa paggamot sa bungang araw at heat stroke?
1. Bungang araw o heat rash – Mapula at makati ang rashes ng bungang araw Mukha itong tagihawat. Nakukuha ito kapag lagi kang nagpapawis. Magsuot ng maluwag at preskong baro na gawa sa cotton. Maligo din sa maghapon. Huwag lagyan ng oily na lotion ang bungang araw.
Ano ang lunas sa bahay?
(A). Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin ito sa refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.
(B) Para mabawasan ang kati: Maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Isawsaw ang tuwalya sa solution na ito at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto. Gawin ito ng 2-3 beses sa maghapon para mabawasan ang kati.
2. Kapag mainit ang panahon – Ang heat stroke ay nakukuha sa sobrang init ng panahon. Nahihilo ang mga pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Tumataas din ang temperature ng katawan.
Tips para makaiwas sa heat stroke:
(A) Huwag lumabas ng bahay mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. Kahit nasa beach ka ay dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.
(B) Magsuot ng preskong baro na kulay puti.
(C) Magsuot nang malaking sombrero o mag-payong.
(D) Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan. Dahan-dahan lang.
(E) Uminom nang malamig na tubig, hanggang 12 baso sa isang araw.
(F) At siyempre, kumain ng pakwan!
Ano ang lunas sa bahay?
(A) Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan.
(B) Dalhin ang pasyente sa maÂlamig o air-conditioned na lugar.
(C) Kung gising siya, painumin ng malamig na tubig.
(D) Bigyan nang maraming ha-ngin para mabawasan ang init sa katawan. Good luck po!