MARAMING bata ang tinutuksong sakang kapag napansin na habang lumalaki ito ay may awang sa pagitan ng kanyang dalawang tuhod/hita. “Bowed legs†kung tawagin natin. Kung minsan, ang ginagamit nating termino ay “bow-legged.â€
Pero maraming sanggol ang isinisilang na medyo sakang talaga. May kaugnayan ito sa paraan nang pagkakaporma nito sa loob ng matris ng mga nanay. Pero ang naturang binti’t hita ay magsisimulang umayos habang lumalaki ang sanggol. Pagtuntong nito ng isang taon hanggang isang tao’t kalahati, kapag nagsisimula nang maglakad ang baby at ginagamit na ang paa, nagsisimula nang maging tuwid ang kahabaan ng hita. Kusang nako-correct kahit walang ritwal na gawin.
Dapat bang ipag-alala agad ang pagiging sakang ng mga sanggol?
Hindi naman. Makabubuting obserbahan muna nang maigi ang bata habang ito’y lumalaki. Mas madalas kasi, kusang nasasaayos ang hitang animo’y may awang sa gitna. Sa mga grabeng kaso lamang nang pagka-sakang tayo gumagawa ng iba pang hakbang sa gamutan.
Minsa’y ginagawa ang x-ray at iba pang test kung mapapansin ang sumusunod:
Kapag napansing ang pagka-sakang ay lalo pang lumalala habang lumalaki.
Kung napapansing madalas matapilok ang bata o nadadapa
Kung hindi nagbago ang pagka-sakang gayong lampas na ang edad sa tatlo (3 years old).
Kung nagkakaproblema sa paglalakad o pagtakbo ang bata
Kung ang pagka-sakang sa isang side ay napansing mas grabe kaysa sa kabila.
Solusyon ba ang operasyon para rito?
Bihirang mangyari na may ginagawang operasyon para lamang itama ang pagka-sakang. Paminsan-minsan lamang ito ginagawa. Yung iba’y pinagagamit ng leg braces habang lumaÂlaki pa lamang ang bata. Hayaang ang orthopedic specialist ang magpayo kung ano ang nararapat sa nasasakang na hita.
Hindi rin dapat kalimutan na minsan ang pagka-sakang ay maaaring senyal din ng kakulangan ng Vitamin D sa katawan. Rickets kung tawagin ang kondisyong ganito (Vitamin D deficiency). Pero ang pagka-sakang na dala ng rickets ay higit na malala kaysa sa ordinaryong pagka-sakang lamang. Kapansin-pansin ang pagka-sakang nito.
Kung nagsususpetsa ng rickets, maaaring gawin ang ilang blood test upang makatiyak.