ISA sa mga lumalatay na salita ni President Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ay ang patungkol sa Bureau of Customs. Mabigat ang kanyang mga binitiwan. Tao na lamang na walanghiya o walang hiya ang hindi tatablan sa kanyang mga sinabi. Makapal na lamang ang mukha kapag hindi nagbitiw. Sabi ng Presidente, “Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundaÂngan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?
Pagkaraan ng SONA, agad nagbigay ng resigÂnation sa Presidente si Customs Commissioner Ruffy Biazon. Pero ang nakapagtataka, hindi ito tinanggap ng Presidente. Para ano pa at nagsalita nang mabiÂbigat? Kinabukasan, dalawa pang opisyal ng Customs ang nagbitiw at tinanggap naman umano ng Presidente. Si Biazon, nananatili pa raw ang kumpiyansa ng Presidente.
Ilang mataas na opisyal na ng Aquino administration ang nagbitiw makaraang pagalitan ng Presidente. Unang sinermunan ang administrator ng National Irrigation Administration na si Antonio Nangel dahil sa mabagal na pagtapos ng mga proyektong patubig. Itinaon ang sermon sa anibersaryo ng NIA. Makalipas ang ilang araw, nag-resign si Nangel.
Sunod na sinermunan si Immigration Commissioner Ricardo David dahil sa pagtakas ng Korean fugitives at mga suspect sa pagpatay kay Doc Gerry Ortega. Nagbitiw si David sa puwesto.
Lahat nang mga nagbitiw ay agad tinanggap ng Presidente. Wala nang tanung-tanong pa. Para sa kanya, hindi kailangan sa Gabinete ang walang naitutulong sa pag-unlad ng bansa. Hindi rin kailangan ang mga taong ayaw tumino.
Pero nakapagtataka na bakit pinigilan niya ang Customs commissioner. O baka naman sa sunod na pagsesermon niya rito ay baka mas mabigat at lumaÂlatay. Pero kung kami sa Customs commissioner, hindi na namin hihintayin iyon at aalis na kami. Baka pa maakusahang “kapit-tukoâ€.