Lampong (355)

PROBLEMADO si Mulong sapagkat maski si Jinky ay hindi alam kung kailan uuwi mula sa Maynila si Dick. Kaya naghihinala siya na mayroong problema sa mag-asawa. Noong umalis­ si Dick ay hindi man lang inihatid ni Jinky. Baka mayroong tampuhan ang mag-asawa? Nasabi rin ni Dick noon na ayaw na nitong dagdagan pa ang problema. Ito ay nang sabihin niya ang tungkol sa “misteryosong” lalaki na lagi nilang nakikita.

Napansin ni Tina na problemado si Mulo ng at natitigilan. Nasa bodega sila at naglalagay sa tray ng mga itlog ng itik.

“Hoy parang ang lalim ng iniisip mo! Huwag mong sabihin na balon ang iniisip mo at hindi ako matatawa.”

“Ang iniisip ko ay si Dick.”

“Bakit?”

“Napapansin ko parang may nangyayaring problema.”

“Problema? Anong problema?”

“Problema nilang mag-asawa.”

Hindi nakapagsalita si Tina. Nag-isip.

“Ano kayang problema nila?”

“Kasi’y hindi alam ni Mam Jinky kung kailan uuwi si Dick. Tinanong ko kasi siya kanina. Hindi raw niya alam.’’

“Baka naman tampuhan lang. Natural yun di ba?”

“Sabagay baka nagkakamali ako. Sana nga ganun lang, Tina.”

“Kapag hindi umuwi ng isang taon si Dick saka ako maniniwala, Mulong. Pero dalawang linggo pa lang ang nakakalipas. Baka busy si Dick sa Maynila dahil sa kanyang INASALITIK Restaurant.”

“Sana nga Tina.’’

 

NANG mga sandaling iyon ay nakahiga si Dick sa kama ng tinutuluyang apartment. Nag-iisip nang malalim. Hindi sa negosyo ang iniisip kundi ang nangyayari sa kanyang sarili. Bakit “lumu­lungayngay” ang kanyang alaga. Mahirap tanggapin lalo pa’t marami na siyang natikmang “anak ni Eba.” Ka­kahiya na ayaw nang lumaban  ang kanyang paboritong “alaga”.

Naisip niya, ano kaya at subukan niya sa ibang babae.

Isang gabi, nagtungo siya sa Ms. Unibersidad. Matagal na niyang alam ang KTV Bar na iyon na nagpapalabas ng mga hubo’t hubad na tsikas. Pawang mga tinedyer daw at estudyante. Kaya pala Ms. Unibersidad.

Natipuhan niya ang nagsasayaw sa stage. Ang ganda ng katawan. Batambata. Subukan kaya niya ang “alaga” niya. Baka puwede na.

Hinayaan muna niyang magsayaw ang babae na nasa stage. Kailangang m­akita muna niya ang mga “laman” nito. May saplot pa ang babae.

Umindayog ang babae. Sumusunod sa maharot na tugtog. Ang mga lalaki sa unahan ay walang kakurap-kurap. Para bang sayang kapag kumurap dahil hindi makikita ang gagawin ng babae.

Maya-maya pa, tinanggal ng babae ang bra. Umalpas ang itinatago. Bilog na bilog at buung-buo.

Mamaya-maya pa ang ka­piranggot na saplot sa ibaba­ ­­ang tinanggal. Pero hindi karakang inalis. Binitin pa. Nakatakip pa ang saplot sa “kaangkinan”.

(Itutuloy)

Show comments