ISA sa mga nakatikim nang masasakit na pananalita mula kay President Aquino noong Lunes sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay ang Bureau of Immigration. Noon pa, marami nang kontrobersiya ang nangyayari sa Immigration gaya nang pagpapatakas sa mga dayuhan na sangkot sa kaso. Walang anumang nakakatakas kapalit nang malaking halaga ng pera. May mga report pa, na ilang agent ng Immigration ang namemera sa mga illegal na dayuhang namamalagi sa bansa. May ilang taga-Immigration na ini-eskortan pa ang mga dayuhang may kaso para makatakas ng bansa.
Nasagad na si P-Noy sa nangyayari sa Immigration kaya pinrangka na ang dating namumuno sa ImÂmigration na si Ricardo David. Nagbitiw naman agad si David at inako lahat ang mga kapalpakan sa bureau. Agad hinirang ni P-Noy si Siegfred B. Mison bilang kapalit ni David.
Ang mga sinabi ni P-Noy sa kanyang SONA ay hamon sa bagong Immigration chief. Sabi ni P-Noy: “Magtapatan po tayo: Hanggang ngayon, may ilan pa ring ahensya ng gobyerno na ayaw yata talagang tumino. Nakakadismaya po ang lalim at ang pagsanga-sanga ng kanilang mga galamay sa ating burukrasya; malingat lang tayo, pihadong may aabusuhin at bibiktimahin na naman sila. Magpangalan na po tayo: sa Bureau of Immigration, paulit-ulit nating pinagsabihang ayusin ang pagbabantay sa ating mga daungan at paliparan. Pero paanong nakalabas ng bansa ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, ang mga pangunahing suspek sa pagpaslang kay Gerry Ortega? Bakit nangyari pa rin na kitang-kita sa mismong CCTV ang pagtakas ng Koreano na si Park Sungjun? Wanted po siya sa Korea, at nanghingi ng tulong ang kanyang gobyerno upang hulihin siya. Anong mukha naman po ang ihaharap natin gayong mismong mga kawani ng ating gobyerno ang naghatid sa kanya at hinayaan siyang makatakas?
Naniniwala kami na kaya pinili ni P-Noy si Mison ay dahil mataas ang pagkakakilala niya rito. Malaki ang inaasahan niya rito. Sana, maipakita ni Mison na karapat-dapat siya sa Immigration. Kung hindi maÂaaring balikan ang sinabi pa ni P-Noy: “Kung hindi mo nagagawa ang iyong trabaho, hindi ka karapat-dapat na manatili sa pwesto.â€