MARAMING iniulat si President Noynoy Aquino sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA). Inabot ng isang oras at 45 minuto ang kanyang Ulat sa Kalagayan ng Bansa.
Pero sa haba ng kanyang Ulat, kapiranggot lamang ang sinabi niya na may kaugnayan para sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa. Sa yaman at lawak ng mga lupain, dito dapat naka-pokus ang pamahalaan. Ito ang sana ang nararapat pagtuunan ng pansin. Kung mapagtutuunan ang pagpaparami ng aning palay, hindi na aangkat ng bigas ang bansa at kung mangyayari ito, wala nang magugutom. Baka mabawasan na rin ang smuggling ng bigas na hindi masugpo ng Bureau of Customs.
Pero pahapyaw lamang ang binanggit ng Presidente ukol sa agrikultura. Sabi niya, “Sa tulong naman po ng ating Big Man sa Senado na si Manong Frank Drilon, natapos na ang mahigit limampung taon na paghihintay ng mga Ilonggo; nasimulan na ang Jalaur River Multi-Purpose Project II sa Iloilo. Ano po ba ang mga pakinabang nito?
“Tinataya pong 24,000 magsasaka sa kalakhang Iloilo ang mahahatiran nito ng buong-taong irigasyon. Dahil dito, maaaring dumoble ang ani ng mga magsasaka ng palay. Linawin po natin: Ang sakop nitong 31,840 hectares ng lupaing mapapatubigan, may dagdag na aning bigas na 146,013 metric tons. Katumbas po ito ng halos walumpung porsyento ng aangkatin nating buffer stock ng bigas para sa 2013.â€
Magandang balita ang sinabi ng Presidente pero marami pang lupain sa bansa ang nangangailangan ng patubig. Maraming nakatiwangwang sapagkat walang patubig. Ito rin ang problema kaya nga sinibak niya ang administrator ng National Irrigation Administration (NIA). Wala raw ginagawang project ang NIA. Maski sa kanyang home province ay hindi pa natatapos ang irrigation project kaya natutuyo ang mga palayan.
Ngayong nakikita nang may magagawa naman pala ukol sa pagpaparami ng ani, kailangang pagbuhusan pa ng pansin ang ukol sa agrikultura. Siguro, kapag napagtuunan ito ng pansin, baka may maÂgandang maiuulat sa ikalimang SONA sa 2014.