Pawis ginawang tubig na maiinom
ANG ihi ay nagagawa nang maging malinis na tubig para mainom na tulad ng naunang ginagawa ng mga scientist para mainom ng mga astronaut habang sila ay nasa kalawakan. Pero, ngayon, may nag-eksperimento na rin kung paano puwedeng inumin ang pawis ng tao.
Sa Sweden, nilikha ng inÂhinÂyerong si Andreas Hammar ang isang makina na kumukolekta sa mga damit na basa ng pawis para gawing tubig na puwedeng mainom ang moisture nito. Ang kritikal na bahagi ng makina ay binuo ng isang kompanyang HVR at ng Royal Institute of Technology ng Sweden. Gumagamit umano ito ng teknik na tinatawag na membrane destillation.
Sa loob ng makina, iniikot at pinapainit ang damit o materyales para matanggal ang mga pawis. Kasunod nito, ipinapasa ang vapor o singaw sa pamamagitan ng isang special membrane na binuo para tanging water molecules lang ang makapasok.
Mula raw nang ilunsad ang makina, mahigit 1,000 tao na sa Gothenburg ang uminom ng tubig na mula sa pawis ng ibang tao. Sinasabing mas malinis ang likido nito kaysa sa tubig na galing sa gripo.
Sinasabi sa ulat na binuo ang naturang makina para sa ahensiyang Unicef ng United Nations para sa kampanya na nagpapamulat na mahigit 780 milyong katao sa buong mundo ang hindi nakakainom ng malinis na tubig.
Ayon sa lumikha ng makina, ang dami ng tubig na malilikha ng makina ay depende sa dami ng pawis na nagmumula sa isang tao. Kaya meron pa rin itong limitasyon dahil sa dami ng pawis na kailangan para makalikha ng tubig.
• • • • • •
(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa email na [email protected])
- Latest