IPINAGYAYABANG ng gambling lord couple na sina Charing Magbuhos at Eddie “Kabayo†Gonzales na ang aktor na si Dingdong Dantes ang “go between†nila sa Palasyo. Si Dantes mga kosa ay isa sa sangkatutak na advisers ni President Aquino kaya bagyo ang dating nitong sina Nana Charing at Kabayo sa Palasyo. Isasama ko na sa listahan ang opisyal ng Malacañang, na hilaw na bayaw ni Kabayo na malapit din kay Aquino, kaya hindi matinag-tinag ang bookies ng Small Town Lottery (STL) nina Nana Charing at Kabayo hindi lang sa Quezon province kundi maging sa ilang lugar sa Laguna. Ang STL ay nagsara na sana noong Hunyo 30, ayon sa batas, subalit na-extend ito ng tatlong buwan dahi sa pag-lobby sa Palasyo ng mga alipores nina Nana Charing at Kabayo. Totoo ba na ang lahat ng STL bookies operators ay may “tong†sa bayaw na hilaw ni Kabayo? Dumadaan daw ang pitsa ng STL operators kay Kabayo, anang mga kosa ko. Si Dantes kaya ay may role sa pag-extend ng STL na ayon naman sa PNP ay front lang ng jueteng?
Kaya front ng jueteng ang STL mga kosa ay dahil nilalabanan din ng mga financiers nila tulad nina Nana Charing at Kabayo ang halos kalahati ang kubransa nila. Kaya sa sistemang ito, talo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit hindi kumikibo ang mga opisyales ng naturang ahensiya dahil may weekly payola naman sila sa grupo nina Nana Charing at Kabayo. Katunayan, kung ang grasya ng opisyales ng PCSO at iba pang government agencies ay inihatid sa mga opisina nila, ang tong collectors naman ay pumipila sa bahay ni Nana Charing sa Dona Consuelo Subd., sa San Pablo City. Para mapatunayan ang sumbong na ito ng mga kosa ko, dapat sigurong mabantayan ni DILG Sec. Mar Roxas ang bahay ni Nana Charing para magkaroon siya ng ebidensiya. Teka nga pala, bakit tahimik si Roxas sa extension ng STL eh maliwanag naman ang report sa kanya ng PNP na front ito ng jueteng?
• • • • • •
Hindi pa nag-iinit sa kanyang bangko ang bagong mayor ng Cainta na si Kit Pasion Nieto ay nagigisa na ang kanyang pangalan sa mga pasugalan at beerhouse at nightclub owners. At ang itinuturong nasa likod ng pagputok ng pangalan ni Nieto sa mga ilegal ay ang pag-iikot ng “pamangkin†niya na si SPO2 Ranie Pasion. Para sa kaalaman ni Sr. Supt. Rolando Anduyan, ang hepe ng Rizal police, si Pasion ay naka-assign sa PNP headquarters sa Bgy. Dolores, sa Taytay at nilalakad niya na mapalipat sa Cainta para mapag-ibayo ang tong collection activities niya. Nagsitigil nga sa ngayon ang lahat ng uri ng sugal at bold shows sa Cainta, dahil sa utos ni Pasion. Kung talagang gusto ni Nieto na linisin ang bakuran niya sa illegal na sugal, dapat siyang palakpakan dito. Subalit mag-aabang ako mga kosa dahil baka magpapalit lang si Mayor ng mga operator o financier na sanggang-dikit nya. Kaya maaga pa para purihin sina Nieto at pamangkin na si SPO2 Pasion. Abangan!