1. Chicken pox o bulutong tubig – Madalas ang mga viral infection tulad ng bulutong tubig kapag tag-init. Madali itong makahawa ng ibang tao. Huwag kamutin ang mga bulutong at baka magpeklat ang iyong mukha.
Ano ang lunas sa bahay?
(A) Kumuha ng isang litrong tubig at lagyan ito ng isang kutsaritang asin.
(B) Ibuhos ito sa mga bulutong ng 5 hanggang 10 minuto. Puwede itong ipanligo sa katawan.
(C) Kapag 5 litrong tubig ang inihanda, lagyan ng 5 kutsaritang asin.
(D) Tinutuyo ng tubig at asin ang mga bulutong para mabilis itong gumaling.
(E) Dampian bahagya ng tuwalya para matuyo ang katawan.
(F) Pagkatapos, puwedeng lagyan ng anti-bacterial cream (tulad ng Bactroban) ang mga bulutong.
2. Allergy – Ang allergy ay puwedeng dahil sa pollen (na galing sa halaman) sa ating paligid. Nakaka-allergy din ang usok, sigarilyo, at amag sa bahay. Maglinis sa bahay. Mag-vacuum cleaner, lalo na ng kumot, unan at bedsheet. Tanggalin ang mga rug at carpet. Ilayo rin ang aso at pusa sa may allergy.
Ano ang lunas sa bahay?
(A) Para matanggal ang amag (molds) at dumi sa bahay, gumawa ng chlorox solution.
(B) Maglagay ng 100 ml ng chlorox sa 1 litrong tubig.
(C) Ipunas itong solution sa banyo, mesa, sahig para mapatay ang mga mikrobiyo.
3. Sore eyes – Ang sore eyes ay dulot ng bacteria o virus. Nakukuha ang sore eyes sa pamamagitan ng pakikipagkamay o paghalik sa isang taong may sore eyes. Kahit ang mga gamit na hinawakan niya (mesa, pintuan, kutsara at tuwalya) ay nakahahawa rin. Bumili rin ng anti-bacterial drops para sa mata.
Ano ang lunas sa bahay?
(A) Para linisin ang muta sa mata, gumamit ng special salt solution.
(C) Sa isang basong distilled water, lagyan ng isang kapirangot na asin (isang kurot lang o halos 1/8 teaspoon lang).
(D) Kumuha ng cotton buds at isawsaw sa solution na ito. Gamitin ang cotton buds para linisin ang mga muta sa mata.
Tipid tips sa may edad: Kapag laging nanunuyo ang mata, ipatak ang salt solution na ito sa iyong mata. Para na itong ‘artificial tears’ na nabibili sa mga botika. Safe na at mura pa.
4. Maraming muta sa mata – Kapag maraming muta sa iyong mata (lalo na paggising), gumamit ng Johnson’s baby shampoo solution. Lagyan ang tubig ng konting Baby Shampoo. Kumuha ng cotton buds. Idampi ito sa solution at linisin ang pilikmata. Makatutulong ang Baby Shampoo sa pagtanggal ng madidikit na muta sa iyong mata. Pagkatapos, banlawan maigi ang mukha. Good luck po!