^

Punto Mo

Seryoso pala si Erap

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGTIKLUPAN ang mga pasugalan sa Maynila dahil seryoso pala sa banta niya si Mayor Erap Estrada na lilipulin sila. Kung may nangahas man na manatiling bukas sa ngayon, ’yan ay ang mga butas ng horse­racing bookies ng mga pulis at sibilyan na naka-umbrella kina Delfin “Daboy” Pasya at SPO4 Gener “Paknoy” Presnedi. Halos umabot sa 107 piraso ng video-karera ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez ang nakumpiska ng mga tauhan ni MPD director Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya” Genabe na winasak naman ni Erap noong Martes.

 Ang P43,725 na barya na nakuha sa kaha ng makina ay ipinag-utos ni Erap na i-donate sa Hospicio de San Jose orphanage para mapakinabangan nila. Kaya hilung-talilong sa ngayon ang mga gambling lords sa Maynila dahil alam nila na hindi sila tatantanan ni Erap. He-he-he! Akala ko sarsuela lang itong “no take” ni Erap sa pasugalan, eh seryoso pala siya. Suportahan natin si Erap, mga kosa! Simula na kaya ito sa paglaho ng video-karera ng mag-asawang Gutierrez sa Maynila?

Kaya naman pala sobra ang tapang ng mga may pa-bookies na naka-umbrella kina Pasya at Presnedi ay dahil may mga pulis na nakapatong sa kanila. Ang ibig kong sabihin mga kosa, kakutsaba nina Pasya at Presnedi ang mga pulis sa operation nila kaya kumpiyansa sila na hindi masagasaan ang mga butas nila. Nagtagumpay ang ganitong sistema nina Pasya at Presnedi sa “no take, no contact” policy ng CIDG, at ewan ko lang kung gagana rin ito sa panahon ni Erap.

Si Pasya ay ang bida natin palagi na si Insp. Arnold Sandoval ang nakapatong, samantalang itong sina Fernando “Andoy” Diamzon at Fernan naman ang kay Presnedi. Magkumpare ang tatlong itlog na ’yan subalit magkaribal sila sa negosyo. Get’s n’yo mga kosa? Itong si Sandoval ay masyadong malakas noong kapanahunan ni dating Mayor Alfredo Lim dahil bayaw niya ang anak nito na si Cynthia, at tong collector din siya ng Station 1 ng MPD. Hindi lang ’yan! Bukambibig din ni Sandoval ang pangalan ni Vice Mayor Isko Moreno. Sina Diamzon at Fernan naman ay dating tong collector ng MPD at NCRPO.

 Ang mga bukas na butas ng karera sa ngayon ay yung kina Von Cruz, Osang, Emily, Mila, Dolphy, Benjie, Obet Chua, Sonny Hardin, Ogie Dalisay, Ruel Robles, Clyde, Zhornack, Karille, Angel, Carmina, Boss Paul alyas Toti, Jeff, Pandete at Halili. Karamihan sa kanila ay hawak ni Sandoval. Kung noon sina Pasya at Presnedi ang bahala kapag may huli, sa ngayon ay bago na. Hindi na makikialam sina Pasya at Presnedi sa huli at bahala na ang financiers sa mga bataan nila. He-he-he! Tuso rin sina Pasya at Presnedi, ano mga kosa? Kasama rin sa bukas ang mga butas ni PO3 Mike Pornillos na matatawag na financier, protector at tong collector ng illegal na negosyo niya. Parang 3-in-1 na kape si Pornillos, ano mga kosa?

Naumpisahan na ni Erap itong pasugalan, kailan naman kaya siya magiging seryoso sa kampanya laban sa “kotong” cops? Kung sina Erap, Genabe at NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo ay no take sa mga pasugalan, bakit sina Pasya at Presnedi ay take nang take sa mga puwestong naka-umbrella sa kanila? Abangan!

 

vuukle comment

ARNOLD SANDOVAL

BOSS PAUL

CHIEF SUPT

ERAP

MAYNILA

PASYA

PRESNEDI

SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with