50 awesome household tips

18) Mainam na pampakintab ng dahon ng halaman ang mayonnaise. Ito ang ipahid sa halaman na pangdispley sa loob ng bahay. Tatagal ang kintab hanggang isang linggo.

19) Gamiting pin cushion ang kandila. Mas madulas gamitin sa tela ang aspile o karayon kung itutusok ito sa kandila.

20) Kung nawala ang bath tub plug, magandang ihalili dito ang golf ball.

21) Toothpick ang ginagamit para i-tsek kung luto na ang cake. Ang hilaw na spaghetti noodles ay puwedeng gamitin kung walang toothpick.

22) Ang hilaw na sibuyas na nabalatan o nahiwa na ay tatagal ng isang linggo kung ilalagay sa glass jar na may air-tight screw at itatago sa refrigerator.

23) Rubber glove ang ikuskos sa upholstery na nadikitan ng balahibo ng aso.

24) Shaving cream ang ipahid sa mirror ng toilet para ibalik ang kintab nito. Tapos tuyuin ito ng cotton cloth.

25) Linisin ang headlight at windshield ng sasakyan ng baking soda paste. Baking soda + water.

26) Upang hindi lumaki ang maliit na tuklap na pintura sa kotse, aplayan muna ito ng colorless cutex habang wala ka pang time na ipaayos ito.

(Itutuloy)

Show comments