TOTOO na kapag pera na ang pinag-uusapan, maraming masisira at mawawasak. At kapag naÂikabit ang pera sa mga mambabatas, tiyak na maÂraming sasabit. Kaya nga noon pa, marami nang tumututol sa tinatawag na priority development assistance funds (PDAF) o mas lalong kilala sa tawag na pork barrel. Marami nang nagsabi na pag-uugatan ito ng corruption at tila nangyari na nga dahil nabulgar ang P10-bilyong scam na may kaugnayan sa pork barrel ng mga mambabatas. Limang senador at 23 kongresista ang inaakusahan sa misused ng kanilang pork barrel. Pumasok na ang NBI sa imbestigasyon.
May mga mambabatas na ginagamit ang kanilang pork barrel pero hindi para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan. Ang matindi, kumikita pa sila sa komisyon dahil sila mismo ang nag-aapruba ng proyekto. Para mailabas ang kanilang pork barrel kailangan ay may proyektong paggagamitan. Dito sila kumikita nang limpak. Nagiging masagana sila sa perang galing sa buwis ng taumbayan.
Ngayong nabulgar na may mga senador at mambabatas na ginamit ang kanilang pork barrel sa pamamagitan ng mga dummy non-government organizations (NGO), nagpapakita lamang na ang pondong ito ay hindi maganda sapagkat pinag-uugatan ng corruption. Umano’y ipinagkakaloob ang pork barrel sa mga NGO na nilikha naman ng isang pribadong organisasyon. Isang senador ang sinasabing 22 beses nagbigay ng kanyang pork barrel sa mga NGO.
Nararapat naman ang masusing imbestigasyon dito. Umano’y magsasagawa rin ng imbestigasyon ang Senado. Kaya lang hindi kaya “magkahilaw-hilaw†ang imbestigasyon? Iimbestigahan ang sarili nila? Kailangang may mangyari sa pag-iimbestiga at hindi dapat matulad sa mga inimbestigahan noon na nauwi lamang sa wala. O para mas maganda, alisin ang pork barrel para wala nang pinagtatakaman ang mga mambabatas. Marahil, isang dahilan kaya maraming naghahangad maging mambabatas ay dahil sa pinaglaÂlawayang pork barrel.