Lalaki, pitong beses lang kumain sa loob ng 10 buwan, nabubuhay daw siya sa paglanghap ng hangin at pagpapaaraw
ISANG lalaki na tinawag na “breatharian†ang nagsabi na pitong beses lang siyang kumain sa loob ng 10 buwan at pawang paghinga at pagpapaaraw ang kanyang ginawa para mabuhay.
Nagpakilala ang lalaki na si Kirby at sinabing limang taon na niyang ginagawa ang paghinga at pagpapaaraw at walang siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan. Malusog siya. Ipinakita niya ang medical report na nagsasabing wala siyang sakit.
Marami naman ang hindi makapaniwala sa sinabi ni Kirby sapagkat hanggang dalawang buwan lang daw maaaring makatagal ang isang tao dahil sa hindi pagkain o pagpa-fasting.
Nagpainterbyu sa National Geographic si Kirby at sinabi niya na limang taon na siyang “breatharian†at napakaganda ng kanyang pakiramdam. Bihira siyang kumain sa loob ng ilang taon. Tanging paglanghap nang sariwang hangin at pagpapaaraw ang kanyang ginagawa at dahil dito kaya siya naging immortal.
Marami naman ang naniniwala na ang ganitong uri ng pamumuhay ay delikado. Sa halip na makabuti ito sa katawan ay maaaring malubhang sakit ang kamtin.
Pero tila hindi matitinag si Kirby sa nakaugalian niyang paglanghap lang ng hangin at pagpapaaraw.
- Latest