Lampong (340)

NANG araw ding iyon ay nagtungo sa bayan si Mulong. Ginamit niya ang kanyang traysikel. Tamang-tama na maraming talaba ng araw na iyon sa palengke. Bagong kuha raw, sabi ng aleng tindera. Pinakyaw ni Mulong ang talaba ng ale. Halos kalahating sakong talaba. Mahal ang talaba. Pero dahil sabi ni Dick na damihan na niya ang bili, kaya kahit may kamahalan, kinuha na niya.

Habang pabalik sa Bgy. Villareal si Mulong ay iniisip niya kung bakit nagpabili nang maraming talaba si Dick. Mula nang magkakilala sila, ngayon lang ito nagkahilig sa talaba. Dati pawang isda at gulay ang paborito ni Dick. Nagkakarne sila --- baka at baboy – isang beses isang linggo. Pawang isda ang kinakain nila. Pati ang mga trabahador sa itikan ay isda rin ang kinakain. Libre ang pagkain para sa mga trabahador. Kaya labis ang pagtataka niya kung bakit nahilig si Dick sa talaba.

Tuwang-tuwa si Dick nang makita ang kalahating sakong talaba na pasan ni Mulong.

“Ang bigat n’yan Mulong!”

“Kayang-kaya!”

Ibinaba nito ang sako ng talaba.

“Magsasawa si-gurado ako.’’

“Bigla ka yatang nagkahilig sa talaba, Dick?”

“Dati na akong mahilig diyan at ngayon na lang naulit.’’

“Ganun ba? Ka­si’y hindi ako mahilig diyan. Hindi ko kayang lunukin. Bumabalik kahit na nasa lalamunan ko na. Ayaw tanggapin. At saka malagkit na maalat-alat.’’

“Di ba yun ang masarap? Madulas na maalat-alat, ha-ha-ha!”

“Mas gusto ko ang tahong, Dick.”

“Masarap din yun kaya lang, mas masarap ang talaba dahil madulas.’’

“Kaya mong ubusin ‘yan?”

“Oo naman. Pero ilang araw yan bago ko maubos.’’

Napatango na lang si Mulong.

“Isa pa kaya ako nagpabili nang maraming talaba ay dahil gusto kong malaman kung puwedeng ipakain sa itik ang shell. Dudurugin at saka ihahalo sa feeds. Pampatibay ng itlog.”

“A ganun ba?”

“Eeksperimento ko Mulong.’’

KUMAIN nang mara-ming talaba si Dick. Nagbiyak siya nang maraming talaba at sinawsaw lang sa sukang maanghang. Sarap na sarap siya. Parang lumakas siya nang makakain nang maraming talaba. Parang totoo ang sinabi ng kuya niya.

Kinagabihan, handang-handa na siya. Ipakikita niya kay Jinky na hindi na siya si “Dick Lungangi.’’

Humanda ka, Jinky Baby!

(Itutuloy)

Show comments