66 na taon na mula nang may mag-crash na UFO sa U.S.; pero hindi raw ito totoo

HULYO 8, 1947 nang mapabalita ang pag-crash ng isang flying saucer o flying disk sa Roswell, New Mexico, USA. Ibinalita rin ang umano’y pag-aalis sa mga patay na katawan mula sa nag-crash na flying saucer. Nagkalat din ang debris sa lugar.

Pero 66 na taon na ang nakararaan mula nang sumabog ang balitang iyon, patuloy pa ring pinabubulaanan ng U.S. military ang balita. Wala raw katotohanan ang pagbagsak ng UFO sa Roswell. Ito ay sa kabila na maraming nagpapatunay sa nangyaring crash.

Ang pangyayari ay itinuturing na pinaka-mahalagang pangyayari sa Ufology. Nakita rin naman kung paano itinanggi ng U.S. ang nangyari at umano’y itinago pa ang mga ebidensiya ng extraterrestrial visitation.

Pero sabi ng military, ang nag-crashed ay isang “weather balloon” at ang sinasabing mga katawan ng alien ay mga “crash-test dummies” lamang.

Pinanindigan nila ang istoryang iyon hanggang ngayon. Iyon umano ang totoo.

 

Show comments