Halos isang buwan pa lamang matapos na magbukas ang eskuwela, mistulang umaarangkada na ang mga sindikato ng kidnap na ang tinatarget ay mga batang mag-aaral.
Kumpirmadong kidnap for ransom ang nangyaring pagdukot sa dalawang menor de edad sa lungsod Quezon noong nakalipas na Biyernes.
Papasok sa paaralan ang mga bata sakay ng kanilang sasak-yan kasama ang kanilang driver nang maganap ang pagdukot.
Kinabukasan naman ay agad na nasagip ng mga awtoridad ang dalawang biktima. HIndi naman malinaw kung nagbayad ba ng ransom ang pamilya ng mga ito, pero ang tiniyak eh naunang nanghingi ng ransom ang mga kumuha sa mga bata.
Bagamat masasabing isolated naman ang ganitong mga insidente ng kidnap sa kasalukuyan, ang nakakaalarma ngayon dito ay ang panibagong istilo ng mga suspect.
Kung dati ang istilo ng mga carjack eh ’yung babanggain ang iyong sasakyan at sa yung pagbaba para tignan ang damage ng bangga eh doon na aagawin ang iyong sasakyan, mukhang ganito na rin yata ang ginagamit na istilo ngayon ng sindikato sa kanilang pagkidnap.
Sa naganap na kidnapping noong Biyernes, sinagian ng sasakyan ng mga suspect ang sasakyan ng mga biktima.
Siyempre pa agad na bumaba ang family driver ng mga bata para tignan ang damage, na sinabayan naman ng baba ng mga suspect sa dala nilang sasakyan.
Ayun na tinutukan na ang driver at pinalayo sa dalang sasakyan at ang pumasok na ay ang ilan sa mga suspect.
Bukod sa dala ang sasak-yan, tangay pa ang mga bata.
Doble operasyon ito ng sindikato, carnap-kidnap na ang lakad.
Ngayon baka kahit talagang aksidente o bangga lamang ang nangyari sa iyong sasakyan, dahil sa ganitong mga kaganapan, matatakot o andap ka ngayong bumaba ng iyong sasakyan kasi nga baka karnaper o kardyaker o kidnaper ang mga bumangga sa yo.
Kung nanahimik noon ang mga kidnapper dapat na ma-tutukan na naman ito ngayon ng mga anti-kidnapping group o ng mga awtoridad. Hindi dapat magpalamig sa pagbabantay ang mga awtoridad daÂhil muling nagparamdam na naman ang mga ganitong uri ng elementong kriminal at para maprotektahan lalu na ang mga mag-aaral.