^

Punto Mo

Octopus, natagpuan sa tuktok ng bundok!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang isang grupo ng mountain climbers sa England sa kanilang nakita sa tuktok ng Scafell Pike sa bayan ng Cumbria. Isang octopus (cephalopod mollusk) na may sukat na 8 inches ang kanilang nakita! Paano nagkaroon ng octopus sa napakataas na bundok?

Ang Scafell Pike ang pinakamataas na bundok sa England kaya paborito ito ng mountain climbers. Kapag narating ang tuktok nito, nakadarama ng accomplishment ang climbers. Mula sa tuktok ng bundok makikita ang magandang tanawin sa paligid. Matatanaw lahat ang mga lugar ng England kapag nasa tuktok.

Pero para sa leader ng mountain climber na si Dave Ascough, 43 sobrang accomplishment pa ang kanilang nadama nang makita ang katawan ng octopus na nasa 33 meters mula sa tuktok ng bundok.

“Ang unang reaksyon namin ay may taong nagdala ng octopus sa bundok. Naisip din namin na baka isang ibon ang nagdala sa tuktok. Posible rin kayang makaakyat ang octopus sa bundok.”

Pero nagdududa pa rin sila. Kung tao ang nagdala ng octopus, bakit nila iniwan doon. Mahirap magdala ng octopus tapos ay iiwan lang doon.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin ang octopus sa tuktok ng bundok.

ANG SCAFELL PIKE

BUNDOK

CUMBRIA

DAVE ASCOUGH

HANGGANG

ISANG

OCTOPUS

PERO

SCAFELL PIKE

TUKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with