KUNG dito sa Pilipinas ay matiyagang inaalagaan at minamahal ang mga matatandang magulang, kakaiba naman pala ang ginagawang practice sa matatandang Eskimos. Dinadala ang mga matanda sa nagyeyelong dagat at hinahayaan doon na manigas hanggang mamatay.
At walang maririnig na pagtutol sa mga matatanda sapagkat nakahanda na umano ang sarili ng mga ito. Nakaugalian na ang mga matatandang malapit nang mamatay ay dinadala sa laot.
Naniniwala ang Eskimos na kapag namatay ang kanilang matatanda naghihintay sa mga ito ang isang bagong daigdig. Ang pagdadala nila sa mga matatanda sa nagyeyelong laot ay isang paraan para mamatay ang mga ito na may dignidad at hindi rin sila naging pabigat sa kanilang pamilya.
Hanggang ngayon, kahit ang mga modernong Eskimos ay pinapraktis pa rin ang ganito. (www.oddee.com)