Sino ang paniniwalaan sa STL?
PABOR sa mga gambling lords itong desisyon ng Palasyo na palawigin pa ng tatlong buwan ang buhay ng Small Town Lottery (STL). Ayon sa batas kasi mga kosa, itong STL ay dapat nagsara na noong Hunyo 30. At sa loob ng tatlong buwan, milyon pa ang kikitain ng mga gambling lords na ginagawang bookies ang kanilang STL operation. Ang ibig kong sabihin mga kosa, sobra pa sa kalahati ng kubransa ng mga gambling lords sa STL ay nilalabanan nila kaya’t kapiranggot na lang ang kanilang iniingreso sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). At ang nalulugi sa sistemang ito ay ang gobyerno. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa desisyon na ito ng Palasyo, malakas na halakhak ang itinugon ng mag-partner na sina Charing Magbuhos at Eddie “Kabayo†Gonzales habang dinideposito ang kita nila sa STL bookies sa bangko. Hehehe! Ano pa ba ang bago rito?
Maliwanag naman kasi mga kosa na noong kasagsagan ng kampanya ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami, isinisigaw nya na itong STL ay front ng jueteng. Sa katunayan, maging ang mga outlet ng STL ay ni-raid ng mga bataan ni Uyami para isulong ang paniniwala nya. At sa desisyon ng Palasyo na extension sa STL, mukhang naisantabi ang paniniwala ng PNP natin na front nga ito ng jueteng, di ba mga kosa?
At ang itinuturong nasa likod ng extension ng buhay ng STL ay itong opisyal ng Palasyo na “hilaw na bayaw†ni Kabayo, ayon sa mga kosa ko. Sino siya? Clue? Nagpapagawa siya ng malaking bahay sa Quezon City mga kosa.
Naniniwala ako sa sinseridad ng “Tuwid na Daan†ni President Aquino subalit hindi ako nakakasiguro sa mga taong nasa paligid niya. Maraming tsismis na kasi ang kumakalat na kumikita ng limpak-limpak na salapi itong opisyal ng Palasyo subalit siyempre hindi mo maebidensiyahan ito. ‘Ika nga mga kosa, mananatiling tsismis lang ang mga balita ukol sa kasuwapangan niya sa pitsa. At ang isang halimbawang tsismis ay itong opisyal ng Palasyo ay tumatanggap ng weekly payola mula sa mga gambling lords, lalo na itong ang linya ay STL bookies. Ang payola ng lahat ng STL operators ay dumadaan dito sa hilaw na bayaw n’ya na si Kabayo. Teka nga pala, ang opisyal ng Palasyo ay napapaligiran ng mga taong nasa likod din ng pagtakbo ng illegal na sugal sa bansa noong nasa DILG pa si USec. Rico Puno. Get’s n’yo mga kosa? He-he-he! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!
Parte naman kina Nana Charing at Kabayo, tuloy ang STL bookies nila sa Quezon at sa San Pablo City. Pumipila ang mga pulis, pulitiko at government agencies sa bahay ni Nana Charing sa Dona Consuelo Subdivision, sa San Pablo City kada linggo para sa payola nila. Para mahinto ang STL bookies, ang dapat gawin ni Pres. Aquino ay ikumpas ang kamay na bakal niya at ....presto mawawalang parang bula ang illegal na operation nito.
Sinsero din si CIDG chief Dir. Frank Uyami sa “no take, no contact, policy niya subalit lumalabas nitong mga nagdaang araw na hindi siya nakakasiguro sa mga tauhan niya. Bukas na bukas na kasi ang mga pasugalan sa bansa at mukhang wala nang ganang manghuli itong mga bata ni Uyami, tulad ni Supt. Ariza. Haaayyyyy... Sino ba talaga ang dapat paniwalaan dito sa STL, ang Palasyo ba o ang PNP? Kumusta na kaya si Jojie Lizarda? Abangan!
- Latest