NOONG Lunes, nalaglag ang aking cell phone sa siwang ng elevator mula 5th floor hanggang ilalim ng basement 2 ng aming condo building. Narekober ang telepono. Buo pa ang casing nito bagamat nahiwalay sa telepono, Umangat ang ibabaw ng cell phone ngunit buhay pa rin naman. Tumutunog pero walang makita. Dalawang araw ko lamang ito pinabayaan sa ganoong estado baka sakaling kapag nag-lowbatt at muli kong buksan ay mabuhay at may lumabas na sa screen. Ngunit sa ikalawang araw ay nagpasya na akong ipagawa ito. Mabuti na lamang at hindi namin itinatapon ang mga lumang cell phone at may nagamit pa akong extra phone. Bumili ako ng prepaid sim at gamit ang teleponong walang internet ay tuloy ang buhay. Hindi lamang ako ma-contact ng aking mga katrabaho at mga umoorder kaya nag-announce ako sa instagram na lahat nang umorder na para pick-upin ang mga order ng Huwebes ay maiuurong sa Lunes. Nauna namang bumigay ang akinÂg oven noong Linggo ng gabi. O di ba, dalawa sa mga bagay na pinaka-inaasahan ko para sa aking kabuhayan ay bumigay nang sabay. Pero wala itong negatibong epekto sa akin. Weird nga eh, parang okay lang, relaxed lang ako sa halip ng sinapit ng aking iPhone at oven.
Masarap din pala ang rumelax paminsan-minsan at dumiskonek sa online world, talagang cyber detox nga ang nangyari sa akin. Walang email, walang twitter, instagram o facebook. Bagamat may computer naman, ang cell phone kasi ngayon napaka-high-tech na, lahat sa iisang device mo lang magagawa. At para bang nagiging automatic sa akin na kapag walang ginagawa o kapag naghihintay ay nagche-check ng mga social media networking sites. Walang humpay na updates at pag-post ng mga litrato, status, tweets at videos sa internet.
Noong Sabado ay nadeliber na ang aking bagong oven care of my Wowa at ang aking newly repaired iPhone. Masaya ako kahit nasira ang mga gamit na ito. Dahil nasira sila ay napalitan ng mas efficient at mas mainam na mga gamit. Ang brand new, convection-type oven ay nagpapakita na mas mapapadali ang pagbi-bake ko ng Nutella Rocks at cupcakes. Siguro kaya nasira upang magkarason akong paÂlitan. Ang pagkawala naman ng cell phone ay pinatunayan ang kahalagahan ng mga planners, address book at notepads at ballpen. Iba pa rin talaga kapag isinusulat ang mga bagay-bagay sa papel. Mahirap umasa sa iisang pinagÂlalagyan ng mga gamit o imporÂmasyon. Kapag nasira ito, ligaw ka.
Ngayon ay marunong na akong mag-back-up ng mga mensahe at cell phone numbers at files. Sabi nga, don’t put all eggs in one basket.
Sa isang linggong diskonek at pamamahinga sa baking ay nilasap ko ang mensahe ng Diyos na mamahinga muna. Isang buwan kasi akong paÂtatlu-tatlong oras lang ang tulog kada araw dahil sa taping at baking at deliveries. Binigyan Niya ako ng pagkakataong makapahinga at ma-regain ang aking lakas.
Kaya kung may mga ganitong katulad na aksidente ang mangyari sa inyo, huwag kaagad magpapa-stress. HuÂminga nang malalim at isipin kung ano ang ipinahihiwatig ng Diyos sa iyo sa pangyayaÂring ito. God is always at work in our lives. And everything happens for a reason.