^

Punto Mo

Balasahan sa kapulisan, inaasahan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kasabay nang panunungkulan ng mga nagwaging mga local government officials, inaasahan naman ang palitan sa liderato  sa pulisya sa kanilang mga nasasakupan.

Nagsimula na nga ang ilang pagpapalit o paggalaw sa mga posisyon sa Manila Police District (MPD).

Ito ay kasabay sa pag-upo  ng bagong Manila Mayor Joseph Estrada.

Agad-agad ding  hinirang na bagong MPD director si Chief Supt. Isagani Genabe Jr. na dating Camp Commander ng  Camp Crame at director ng Headquarters Support Service.

Siyempre  pa, may paggalaw sa pinakapuno,  susunod  dito at malamang na  magalaw din ang mga sanga. Mukhang aabot pa nga ito hanggang sa mga station commander.

Natural  lang naman ang ganitong mga paggalaw lalo sa mga lokal, puwera na lang kung ’yung mga dati pa ring opisyal sa  mga lokal na pamahalaan ang nakaupo o nagwagi, pwedeng manatili sa kanilang pwesto ang mga opisyal doon ng pulisya.

Pero kung magbabago, siguradong may pagbabago rin sa mga mamumunong opisyal ng pulisya.

Kukuha at magpapalit siyempre ang mga nanalong mayor at gobernador ng kanilang pinagkakatiwalaan. Maliban na rin lang kung ang bagong upo ay tiwala sa dating nanungkulan.

Malamang sa mga dara­ting pang araw, magkakaroon ng maraming pagbabago sa puwesto o posisyon ng mga pulis sa iba’t ibang lungsod o lugar lalo sa Metro Manila at karatig-lalawigan na mukhang marami sa mga datihang local­ officials ang hindi nagtagumpay.

CAMP COMMANDER

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

ISAGANI GENABE JR.

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with