SA negosyo, hindi pwedeng puro kabig ka lang.Darating ang panahon na kailangang maglabas ka naman ng puhunan.
Lubog ang kaliwang mata at ang butong nakapalibot dito’y durog na. Tahi ang likod ng ulo, sugat ang kaliwang kilay at ilong. Ganito kung ilarawan ni Rading Rodis, 45 taong gulang, taga-Indang, Cavite ang sinapit ng asawang si Helen Grace Rodis. “P’re kalangan natin ng kahoy ang gulong para hindi na umabante,†wika umano ng konduktor. “Huwag na…†sagot naman ng drayber. Noong ika-lima ng Mayo 2013… sa halip na sundin ang konduktor, nagmatigas ang drayber ng Ferdinand Liner na ipagpatuloy ang pagmamaneho. Pagkarating sa plaza kumanan ito at dumaan sa Bañadero St. “Palusong ang lugar na yun. May nakasalubong silang pick-up at dun sila nabangga,†salaysay ni Rading. Mula sa kaganapang yun, dumiretso ang bus na may labing-pitong pasahero sa tulay. Ilang ikot pa ng gulong at tuluyan na silang nahulog sa bangin.
Labing-isang taon nang guro si Helen sa Buenacerca Elementary School. Malapit na ang eleksiyon ng mga panahong yun kaya kinailangan nilang magtungo sa Commission on Elections (COMELEC) upang kumuha ng mga gagamitin sa halalan. Nang papunta na sila ng bayan, nawalan umano ng preno ang kinasasakyang bus at ito ang naging dahilan ng aksidente. Pagkauwi niya ng bahay, sinabi ng kapatid ni Helen na si Shirley kung nasaang ospital ito. Nagtungo si Rading sa Emilio Aguinaldo Hospital. Tinatahi na ang ulo ng asawa nang maratnan niya.
“Ang Ferdinand Liner ang gumastos ng pagpapagamot ng misis ko. Kailangan niya pang magpa-bone scan dahil may fracture na nakita sa face scan,†pahayag ni Rading. Ang nakakausap nila ay ang asawa ng operator na si Tessie Papa. Nung una, nangako ang mga ito na sasagutin nila ang gastusin sa pagpapagamot. “Nung malaman nila kung magkano ang aabutin ng paglalagay ng plate sa mukha ng asawa ko, ayaw na nilang maglabas ng pera,†salaysay ni Rading.
Animnapung libong piso ang deposito sa ospital at iba pa ang bayad sa plates (yung bakal na inilalagay sa mukha upang ipalit sa butong nadurog). Ayon din umano sa Ferdinand Liner, hihingi sila ng tulong sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pantustos sa opeÂrasyon ni Helen. “Sila po ang naglakad sa PCSO. Kinuha nila ang medical records ng asawa ko at inasikaso nila yun. Ang sabi nila pagÂnakuha na ang guarantee letter (GL) ooperahan kaÂagad ang misis ko,†kwento ni Rading.
Humiram din umano ang kompanya ng pera sa kanyang kapatid para sa paunang tulong ngunit hindi naman ito ibiÂnigay sa kanila. “Ang inaalala ko po baka matagalan ang pagpapaopera ng misis ko. Sabi ng doktor baka maÂimpeksiyon na raw,†pahayag ni Rading.
Nababahala rin sila na baka tumigas na ang buto sa palibot ng mata ni Helen at mas mahirap nang operahin (reconstructive surgery). Hunyo 18, 2013… naoperahan si Helen.
Gumawa ng paraan ang kanilang pamilya para makapagbigay ng depositong Php80,000. Ilang araw ang nakalipas, ibinalik ito sa kanila ng Ferdinand Liner. Ang inaalala ngayon ng pamilya Rodis, baka hindi na sagutin ang ilan pang gagastusin nila sa ospital. Ang mga gastusin dahil sa isang aksidente ay saklaw ng ‘CIVIL CODE ng Pilipinas’.
ARTICLE 1732 ang mga Common carriers ang tao, korporasyon, na nagnenegosyo ng pagkuha ng pasahero o mga kalakal sa lupa, tubig o himpapawid at naniningil para sa kanilang serbisyo.
ARTICLE 1733 Common carriers, dahil sa uri ng kanilang negosyo ay nararapat na pairalin ang tinatawag na ‘observe extraordinary diligence’ para sa kaligtasan para sa kanilang pasahero at ingat din sa kanilang mga kalakal na inilulan sa kanilang mga transportasyon.
Dapat maihatid ang mga pasahero sa kanilang pupuntahan ng maayos at komportable. Kung hindi ito matutupad ay magkakaron ng ‘Breach of Contract’. May obligasyon sila na dapat ay maayos ang kanilang mga sasakyan dahil yan ang business nila. Obligasyon din ng kompanya ng bus na magbayad ng mga danyos sa kanilang mga pasahero.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Rading.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kapag ganito ang uri ng iyong negosyo dapat handa ka sa mga hindi inaasahang bagay. Sinisigurado din dapat nila na ang kanilang mga bus ay nasa maayos na kondisyon. Hindi papalya kahit sa mahabang biyahe. Sa sitwasyon nina Helen, ang kompanya ang may obligasyon na sila’y ipagamot.
‘Hindi maaaring gamitin ang PCSO para ipagamot ang mga pasahero mong nadisgrasya dahil sa inyong kapabayaan. Kayo ang kumikita tapos kapag may naÂÂaksidente ay pera ng gobÂyerno ang gagamitin ninyo! Mariing sinabi ni Atty. Jose Ferdinand Rojas II ang GeÂneral Manager ng PCSO. Kapag hindi pa umaksyon ang Ferdinand Liner, tutulungan namin ang biktima na makapagsampa ng Civil Case at humingi ng danyos sa pinsala na kanyang tinamo. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.