Stephen King
Kung mahilig ka sa horror stories, malamang ay kilala mo siya. Dalawang taong gulang siya nang iwan sila ng kanyang ama. Solo silang binuhay ng kanilang ina. Mabuti naman at kahit paano ay tinulungan sila ng ibang kamag-anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain. Lumaki silang magkakapatid sa mga lumang damit na bigay ng mga pinsan.
May natural siyang talent sa pagsusulat. Lumuwag-luwag ang buhay nila nang kumita ang best seller book na Carrie noong 1973.
Iyon ang simula ng kanyang tagumpay. Ayon sa Forbes, ang yaman niya ay nagkakahalaga ng $200 million.
Hilary swank
Nakatira lamang ang kanyang pamilya sa trailer park or mobile home sa Washington. Senyales ng kahirapan ang pagtira sa mobile home. Noong siya ay nasa high school ay iniiwasan siya ng mga kaklase dahil mahirap lang siya. Nagpasama siya sa kanyang ina upang mag-aplay na artista sa Hollywood. Sa kanilang kotse lang sila natutulog upang makatipid. Naliligo sila sa public toilet. Minsan ay nakakakita ng mga kakilala at pinapayagan silang makitulog sa bahay ng mga ito.
Nang makapasok sa Hollywood, binayaran lang siya ng $75 per day or a total of $3,000 sa pelikulang Boys Don’t Cry noong 1999. Ang net worth niya ngayon ay $40 million.