Rags-to- Riches Stories

DO WON CHANG, ang lalaking jingle  lang ang pahinga

IPINANGANAK siya sa Korea noong 1954. Ipinasiya nilang mag-asawa na iwanan ang Korea at hanapin ang magandang kapalaran sa America noong 1981. Para makaraos ang buhay, tatlong trabaho ang pinasok ni Do Won Chang—janitor, gas station attendant at waiter sa coffee shop.

Mula sa sipag at pagtitipid, nakaipon siya ng puhunan para makapagtayo ng tindahan ng damit noong 1984 at pinangalanan niya ang shop na Fashion 21. Ang una nilang tindahan ay nasa Highland Park, Los Angeles. Madasalin si Do Won at dahil dito, aba, umasenso ang kanyang tindahan. Pinalitan niya ang Fashion 21 ng Forever 21. Sa isang interview, nabanggit ni Do Won na naobserbahan niyang ang kadalasang may mamahaling sasakyan ay mga negosyante sa garment business. Kaya iyon ang pinasok niyang negosyo.

As of 2010, mayroon na silang 457 branches sa America, Asia, Europe at Middle East. Ang Forever 21 ay nanatiling family corporation. Katulong niya sa pagpapatakbo ang kanyang misis at dalawang anak na babae. Ayon sa Forbes, sila ng kanyang asawa ay may net worth na $ 4 billion. Ang kompanya ang kinikilalang  most successful female brands in the world. Ang pamilya ni Do Won Chang ay Christians kaya may nakasulat na “John 3:16” sa bawat ilalim ng bag ng Forever 21.

 

Show comments