Lampong (331)

“PUWEDE kang magtayo ng DICK INASAL!” Sabi ni Mulong na tuwang-tuwa sa bagong na­isip na negosyo ni Dick na litsong itik. “Sa halip na manok, itik di ba Dick?’’

“Binigyan mo pa lalo ako ng ideya, Mulong. Hayaan mo at pag-aaralan ko.”

“Masarap ang litsong itik di ba kaya hindi kataka-taka na maraming magkagusto.’’

“At saka alam mo Mulong, minsan kumain ako sa Ongpin, specialty sa mga restaurant doon ay itik. Yun bang Peking Duck.’’

“Ah oo narinig ko na ‘yan, Dick. Di ba sabi ay pampa-lakas daw ng libido ang karne ng itik.’’

“Ha-ha-ha! Saan mo naman narinig ‘yan, Mulong.’’

“Basta narinig ko, Mulong.’’

“Sabagay para ngang no­ong kumain ako ng Peking Duck noon ay naging ganado ako sa pakikipagtalik. Sabagay binata pa ako noon. Gusto ko laging makikipagtalik.’’

“Talaga? E di siguro totoo yung sinasabi na “sisid itik’’?”

“Ha-ha-ha! Ano naman yun, Mulong?”

“Di ba magaling sumisid ang itik. Inilululubog ang ulo sa tubig?’’

“Oo nga.”

“Ganundin daw kapag nakikipagtalik ang taong la-ging kumakain ng itik. Laging sumisisid!”

“Ha-ha-ha. Ikaw talaga Mulong ang daming alam.’’

“Iyan ay base sa mga nari-nig ko Dick. Yung mga nagsabi ay mga lalaking ang gustong pulutan ay adobo sa gata na karneng itik. Napakasarap daw lalo na kung maanghang. Kailangan daw ay naglalangis at makintab na makintab sa gata ang karneng itik.’’

“Posible nga na nakala-lakas ng libido ang itik. Marami na palang nagpatunay e.’’

“Kaya tamang-tama sa naisip mong negosyo na DICK-ITIK INASAL.”

“Ha-ha-ha!”

 

MINSAN, isang araw, nagtungo sa bayan sina Dick at Mulong para bumili ng feeds sa itik. Saku-sakong feeds ang binili nila.

Habang naghihintay sa trak na pagkakargahan ng mga sako ng feeds, napansin ni Dick ang isang lalaki na nakatingin sa kanila at sa wari ay inoobserbahan sila.

Kinublit niya si Mulong at itinuro ang lalaki.

“Kilala mo yun, Mulong?”

Tiningnan ni Mulong.

“Hindi!”

“Kanina ko pa napansin na nakatingin sa atin.”

(Itutuloy)

 

Show comments