Francois Pinault, Ang high school dropout
Ipinanganak siya sa Champs-Géraux in Brittany France noong 1936. Noong 1947, nagpasiya si Francois na tumigil na sa pag-aaral dahil lagi siyang tinutukso ng mga kaklase na mahirap pa sa daga. Wala nang hihirap pa doon sa naghihirap ka na nga sa buhay, pagdating mo sa school, ay ipapamukha pa sa iyo ng mga kaklase na mahirap ka pa sa daga.
Tinulungan na lang niya ang kanyang ama sa pagbebenta ng kahoy. Namimili sila ng mga punongkahoy sa bundok, tapos ipapalagare nila ito para gamitin sa construction. Ang insultong inabot niya sa mga kaklase ay ginawa niyang inspirasyon upang hindi lang maging mahusay na negosyante, kundi “malupit†na negosyante as in sobrang galing sa pagnenegosyo. Ipagbebenta niya ang kanyang timber company sa mataas na halaga. Maghihintay siya na bumagsak ang presyo ng mga kahoy. Ang tendency ng mga timber company ay ibenta ang kanilang kompanya sa palugi na presyo, bargain baga. Ang pagkakataong ito ang inaabangan ni Pinault. Bibilhin ulit niya ang dati niyang timber company sa napakamurang halaga. Buy and sell ng timber company ang nagpayaman sa kanya.
Mula sa wood business ay nagtayo pa sila ng iba’t ibang negosyo. Ngayon ay sila ang may-ari ng Gucci Group (Gucci, Yves Saint-Laurent, Bottega Veneta, Sergio Rossi, Boucheron, Stella McCartney, Alexander McQueen, and Balenciaga). Simula noong 2007, sila na rin ang may-ari ng Puma, pagawaan ng alak, publishing company, French football team, theatre sa Paris…name it Pinault have it. Biyenan siya ng magandang Hollywood actress na si Salma Hayek. Pati sa manugang, panalo siya.