“INIMBITAHAN ba natin ang lalaking yun, Jinky?’’
“Hindi. Ni hindi ko nga kilala.’’
“Hindi ba taga-Villareal yun?’’
“Ewan ko. Kasi’y marami na ring bagong mukha sa Villareal.’’
“Baka naman may naimbitahan tayong tao na hindi nakarating at yan ang naging proxy.’’
“Posible, Dick. Pero ngaÂyon ko lang nakita yan.’’
“Hayaan na nga natin, tutal marami naman tayong handa at hindi problema kung may dumalo na hindi natin naimbita.’’
“Oo nga. Huwag nating problemahin ang hindi naman problema. Mas maganda kung magsasaya tayo.’’
“Napansin ko lang kasi dahil, siya lang sa lahat ng bisita ang hindi lumapit para tayo batiin.’’
“Oo nga ano.â€
“Pero malay natin baka nahihiya lang. May tao ka-sing mahiyain.’’
“Pero mukha namang hindi mahiyain. Guwapo at matipuno. Mukhang may pinag-aralan. Maayos ang suot. Sino kaya ‘yan, Dick?â€
“Hayaan na nga natin.â€
Nang may lumapit kina Dick at Jinky para bumati ay nalimu-tan na nila ang lalaki. Nabaling sila sa mga bisita. Napakaraming bisita ang dumagsa. Walang tigil ang paglalagay ng pagkain.
Nang muling tingnan nina Dick at Jinky ang mesang kinaÂroroonan ng lalaki, wala na ito.
Napailing-iling na lang si Dick. Sinabi niya kay Jinky na wala na ang lalaki.
“Baka nasa comfort room lang.â€
Pero hindi na nila nakita ang lalaki hanggang sa matapos ang reception.
NAG-HONEYMOON sa Bangkok sina Dick at Jinky. Binawi ni Dick sa honeymoon na iyon ang mga naipong panggigigil niya kay Jinky. Halos wala silang labasan sa room ng isang five star hotel. Ganun sila kasabik sa isa’t isa.
“Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Jinky.’’
“Alam ko, Dick.’’
“Masyado mo akong sinabik.’’
Isang linggo sila roon. Gusto pa sana nilang i-extend ang honeymoon pero inaalala nila ang itikan. Mahirap kapag wala sila. Si Tina at Mulong lang ang kanilang inaasahan. Kahit na wala nang mga taong nanggugulo sa itikan, hindi pa rin maalis ni Dick na baka may mangyaring hindi maganda.
“Bumawi na lang uli tayo sa sunod, Jinky,’’ sabi niya.
Kaya nang bumalik mula sa honeymoon, trabaho agad sila sa itikan. Marami nang plano si Dick para lalo pang lumago ang negosyo
“Magpapagawa ako nang malaking paglalanguyan ng mga itik. Ang tubig ay manggagaling mismo sa sapa para fresh at hindi nangangamoy.’’
“Ikaw ang bahala, Dick.â€
“Gusto ko, tayo ang magsusuplay ng itlog sa mara-ming lugar dito.’’
“Sige. Puwede na rin nating paunlarin pa ang paggawa ng itlog na pula at balut.â€
(Itutuloy)