Bossing, nagdiwang ng 81ST B-day, niregalo ang kompanya sa kanyang mga empleyado

HINDI makapaniwala ang mga empleyado ng Bob’s Red Mill Natural Foods na kakaibang regalo ang ibibigay sa kanila ng may-ari ng kompanya. At ang nakakagulat, ginawa ang kakaibang pagreregalo sa mismong 81st birthday nito. Sa halip na mga empleado ang magregalo, ang may birthday ang nagregalo.

Kakaibang regalo ang natanggap ng 209 empleado ng Bob’s Red Mill, ipinagkaloob sa kanila ang pagmamay-ari ng kompanya. Inihayag ni Bob Moore na ang lahat nang empleyado ay may-ari na ng kompanya sa pamamagitan ng “Employee Stock Ownership Plan”. Lahat ay may share of stocks sa kompanya.

Ang kompanya ay may taunang revenue o kita na $24 million at bawat taon ay tumataas ng 20 hanggang 30 percent. Panguna-hing produkto ang stone-ground flours, cereals, at bread mixes.

Walang pagsidlan sa tuwa ang mga empleyado. Nagpapasa­lamat sila sa kagandahan ng loob ni Bob Moore.

Show comments