^

Punto Mo

‘Bagong BITAG sa lansangan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIGURADONG maraming mahuhulog sa BITAG ng Republic Act 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013) kung seseryosohin “lamang” ng mga awtoridad ang pagpapatupad nito.

Posibleng gamitin at abusuhin kasi ng ilang bantay-salakay na mga awtoridad ang kanilang titulo para sa kanilang mga pautot at “money making scheme” sa ngalan ng bagong batas.

Nakasaad sa RA 10586 na magpoposte ang gobyerno sa mga lansangan ng mga tauhan ng Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority, Land Transportation Office at mga local traffic enforcer.

Ibig sabihin, sinumang motorista ang masusumpungang kahina-hinalang lango sa alak at sa mga ipinagbabawal na gamot ay agad isasailalim sa Field Sobriety Test at Breath Analyzer test.

Layunin nito na makumpirma ang mga manipestasyon ng isang kolokoy na gigiwang-giwang magmaneho kung talagang nasa impluwensya nga ng alak at illegal na droga..

Ikinasa ang Republic Act 10586 dahil sa tumataas na estatistika ng aksidente at kriminalidad na dulot ng alak at droga.

Hamon ng BITAG sa mga awtoridad, dapat postehan ang mga lugar tulad ng bar, gimikan, restobar at mga tambayan ng mga lasenggo partikular tuwing katapusan ng linggo o “weekend” para hindi maging inutil ang bagong batas!

Sinuman ang mahuhuli na under the influence of drug and alcohol ay dapat sampolan ng parusa at multa upang magkaroon ng ngipin ang bagong BITAG sa lansangan!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

• • • • • •

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

vuukle comment

BITAG LIVE

BREATH ANALYZER

DRIVING ACT

FIELD SOBRIETY TEST

KALAW HILLS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with