SULIT ba ang isugal mo ang lahat ng pinaghirapan mo para sa dalawang linggong ginhawa?
Nagtungo sa aming tanggapan si Efrelita “Efrel†Carpio, 35-taong gulang, nakatira sa Taytay, Rizal upang itanong kung anong mga benepisyo ang maaaring makuha ng kanyang kinakasamang si Jhonny Calot, 43-taong gulang, nagtatrabaho bilang ‘mason’ sa Fajosa Company. “Dalawang linggong hindi nakapasok ang kinakasama ko tapos napag-alaman naming tinanggal na siya sa kompanya,†wika ni Efrel. Buwan ng Mayo 2013… kinakailangan ng mag-asawa ang pera pang-enrol ng kanilang mga anak. “Sa walo naming anak, lima na ang nag-aaral kaya talagang naghahanap kami ng mapagkukuhanan ng pera. Hindi naman ako makapaglabada ulit dahil sumusuka ako ng dugo kapag napapagod,†sabi ni Efrel.
Hindi makahiram si Jhonny sa kanilang kompanya na pinagsisilbihan niya sa loob ng dalawampung taon. Napagkasunduan nilang mag-asawa na lumapit na lang sa pinsan ni Jhonny na si Julio. “Nakahiram na rin kasi kami sa iba niyang pinsan kaya sa kanya na lang kami lumapit,†pahayag ni Efrel. Halagang apat na libong piso ang inutang nila. Isang araw humingi ng pabor si Julio kay Jhonny. May ipapagawa itong apartment sa palengke ng Pasig at isa si Jhonny sa kinukuha nitong gagawa.
“Hindi siya makatanggi dahil may utang kami sa kanya. Para walang masabi, pumayag na siyang magtrabaho sa pinsan. Sinuswelduhan din siya dun kahit may bayarin pa kami,†kwento ni Efrel. Limang daang piso kada araw ang sweldo ni Jhonny sa pinsan. Mas mataas sa PHP450.00 na sahod nito sa Fajosa.
“Nag-text siya sa foreman niya na hindi siya makakapasok. Hindi naman ito nag-reply,†wika ni Efrel. Paunti-unti na ang ginawang pagkaltas ni Julio sa utang nina Jhonny sa sweldo nito para makabayad. Makalipas ang halos dalawang linggo…May 31, 2013 may natanggap na text ang kanyang anak mula sa kapatid ni Efrel. “Magkaparehong kompanya ang pinaglilingkuran ni Jhonny at nung kapatid ko. Sabi sa text tanggal na raw sa serbisyo si Jhonny,†sabi ni Efrel.
Magmula noon hindi na muÂling nagpunta pa sa opisina si Jhonny. Hindi na nila sinubukan pang makipag-ugnayan sa Fajosa. Dahil sa pagkakatanggal na yun ni Jhonny, gustong malaman ni Efrel kung may makukuha ba itong tulong mula sa kompanya dahil dalawampung taon itong naglingkod doon. “Kahit na may sakit siya, pumapasok yan. Wala rin siyang naging problema dun. Katangi-tangi lang itong pagliban niya dahil ayaw niyang may masabi ang pinsan niya sa kanya,†pahayag ni Efrel.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Efrel. BILANG aksyon kinapanayam namin si Atty. Marissa Manalo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang alamin ang maaaring gawin nina Jhonny at Efrel.
“Ang pagli-leave hindi pwedeng sa text message lang. KaÂilangan mag-file ka ng leave of absence,†wika ni Atty. Manalo.
Dagdag pa niya pwede ngang tanggalin si Jhonny sa tungkulin dahil sa hindi niya paghingi ng permiso na hindi siya papasok.
“Siyempre hinahanap din kayo ng mga employer ninyo. May mga trabaho kayong dapat gawin doon tapos hindi nila alam kung papasok ba kayo o hindi,†pahayag ni Atty. Manalo. Ang pag-aalis din umano ng mga trabahador ay hindi maaaring gawin sa pamamagitan lamang ng text. Dapat magbaba ng isang ‘memorandum o termination notice’.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi tayo maaaring magtrabaho sa dalawang lugar ng lingid sa kaalaman ng kompanyang pinagsisilbihan natin (moonlighting). May nakaÂtakdang bilang ng araw kung kailan ka pwedeng mag-leave at dapat sumunod ka rito. Walang kompanya ang papayag na magtrabaho ka sa iba kung kelan mo gustuhin at bumalik saka magpapakita ka. Pinayuhan namin si Jhonny na pumunta sa opisina ng Fajosa upang kumpirmahin kung taÂlagang tinanggal na nga siya.
Maaari ka ring lumapit doon upang magpaliwanag kung bakit hindi ka pumasok ng ilang araw. Kung hindi ka kukuha ng ‘formal letter of termination’ maaari ka nilang ireklamo sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa patuloy mong pagiging AWOL. Subukan mo rin umapila sa kompanya at baka pabalikin ka bilang konsiderasyon alang-alang sa tagal ng iyong paniÂnilbihan dun. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magÂpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.