NAGBUKAS na ang negosyong “paihi†ng krudo na matatagpuan sa Bgy. Aguila sa San Jose, Batangas. Habang tahimik na ang isyung oil smuggling sa Bureau of Customs, minabuti naman ni Manolo Contreras na buksan ang “paihi†niya. Kaya tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa mga kosa, ‘yan ay dahil bumabawi ang Big 3 oil companies ng ginastos nila ng nakaraang May election, at pati rin sa nalugi nila sa oil smuggling at “paihi†ni Contreras. Kung sa oil smuggling, hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga nasa likod nito, dito naman sa “paihi†ni Contreras ay ganundin. Parehas lang silang economic sabotage, di ba DILG Sec. Mar Roxas Sir? Kaya kung hinabol ni Customs Sec. Ruffy Biazon ang oil smuggling, dapat kumilos din si Roxas sa “paihi†dahil may police powers siya para matuldukan ito. Madali lang namang hulihin ang “paihi†ni Contreras dahil stay put lang ito sa Bgy. Aguila sa San Jose hindi tulad ng sugal na inililipat sa ibang lugar kapag may mainit na kampanya. Get’s n’yo mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang si Contreras ang dapat habulin ni Roxas kundi maging ang mga driver ng trak ng Big 3 oil companies. Kasi matapos umalis sa mga depot ng Big 3 oil companies sa Batangas, dinadaan ng mga driver ang kanilang kargamento sa Bgy. Aguila kung saan sinisipsip ng mga tauhan ni Contreras ang kanilang kargang krudo. Siyempre, kapag na-deliver na ang krudo sa gas stations sa Metro Manila, kulang na ito at magdudulot ito ng pagkakalugi sa Big 3 oil companies. Kaya saan pa ba babawiin ng Big 3 oil companies ang nalugi sa kanila kundi sa pobreng mamamayan, di ba mga kosa? Panahon na para tuldukan ni Roxas ang “paihi†ni Contreras.
Ang nagbigay pala na basbas kay Contreras para magbukas ng kanyang ilegal na negosyo ay si Dodjie Lasierda, ang tong collector ni Calabarzon police director Chief Supt. Pompom Estipona. Lumalabas na si Dodjie ang susi sa mga ilegal sa Southern Tagalog, di ba mga kosa? ‘Ika nga sa crime group na Mafia sa US, si Dodjie ang tinatawag na godfather. Kaya kapag na-neutralize ni Roxas, si Dodjie t’yak magtitiklupan ang “paihi†at pasugalan sa Calabarzon. Get’s mo Sec. Roxas Sir? Kailan naman kaya ikukumpas ni Roxas ang kanyang kamay na bakal laban kay Dodjie? Ang tagal naman!
Kung may grasyang tinatanggap si Estipona sa pagbubukas ng “paihi†ni Contreras, siyempre hindi pahuhuli si Batangas police director Sr. Supt. Rosauro Acio. Lampas na sa dalawang taon si Acio sa puwesto n’ya, subalit mukhang walang balak siyang umalis dahil sa pitsa na pumapasok sa kanyang bulsa, di ba mga kosa?
Maliban sa paihi, pinabuksan din ni Dodjie ang video karera ni Brigette sa Batangas City at sa Lemery. Ang puwesto piho namang sakla joint ni Aling Tessis Rosales ay inilipat mula sa may Andok’s sa Batangas City tungo sa Bauan, Batangas. Habang dumarami naman ang pasugalan sa Batangas City, ano na ang nangyari sa “no take, no contact†policy ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami? Nalusaw sa tubig? Abangan!