^

Punto Mo

Kalbaryo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang ang problema sa baha at trapik ang kalbaryong kinakaharap ng ating mga kababayan sa kasalukuyan.

Kakaibang kalbaryo na sumasabay,  ang sunud-sunod na pagtaas sa matrikula ng mga mag-aaral, pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, pagtaas sa singil sa tubig, ilaw at nagbabadya pa ang hirit na taas sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan.

Ang daming pasan- pasang bigat sa balikat si Juan dela Cruz, sumasabay pa nga ang masamang mga panahon na nakakapinsala pa sa mga kabuhayan at ari-arian ng marami nating kababayan.

Grabe ang itinaas ng mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo kahapon. Ito na ang pang-anim na pagtaas simula noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Halos binawi na o higit pa ang mga naging pagtaas nang ipagmalaki noon ng mga kompanya ang kanilang rolbak na matagal-tagal nang naganap.

Domino effect ang mangyayari dito, dahil nga sa serye ng oil price hike, umaapela na ang ilang transport group na nagpaplano na ihirit ang P2 increase naman sa pasahe.

Halos hindi pa nakakagulapay ang maraming magulang sa itinaas sa matrikula sa taong ito, eto at taasan na naman.

Sa pagpasok naman sa buwan ng Hulyo may taas singil na rin sa tubig ang Maynilad at makikita na ito sa kanilang August bill.

Ang kuryente nagbabadya ring tumaas at siguradong, maging ang presyo ng mga bilihin ay sumunod na rin.

Talagang walang ma­sulingan ang marami nating kababayan, na ito ang dapat namang matutukan ng pamahalaan.

CRUZ

GRABE

HULYO

KAKAIBANG

MAYNILAD

PAGTAAS

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with