Lampong (327)
“ISA lang ba ang anak ninyo ni Raul?†Tanong ni Jinky sa asawa ni Raul na ang pangalan ay Norma.
“Isa lang po, Mam.’’
“Anong pangalan niya?â€
“Junjun po.’’
Tiningnang mabuti ni JinÂky ang kabuuan ng bahay nina Norma. Butas-butas ang bubong at pati ang dingding.
“Matagal na kayong nakatira rito, Norma?â€
“Mga anim na taon na po, Mam.’’
“Sarili ninyo itong bahay at lupa?â€
“Hindi po. Squatter lang po kami rito. Pero sabi po ni Raul kapag nagkapera siya, aalis kami rito. Gusto po niya may sarili kaming bahay at lupa kahit daw maliit.’’
“Pero ano ba talaga ang trabaho ni Raul?â€
“Drayber po ng multicab sa bayan. Pero mula po nang dumami ang multicab na pamasada, humina na ang kita. Ipinagbili ng may-ari ang multicab. Nawalan ng trabaho si Raul. Hanggang sa makilala niya yung si Nognog. Ipinagsama siya para maka-ekstra raw na drayber ng isang mayaman. Hanggang sa maging lingguhan ang uwi ni Raul dito. Sabi niya, kung anu-ano raw ang trabaho niya sa headquarters.’’
“Anong headquarters, Norma?†tanong ni Jinky.
“Hindi ko rin po alam, Mam Jinky.â€
Si Dick ang nagpaliwanag kay Jinky. “Hideout nila yun, Jinky. Doon nagkukuta si Pac. Doon dinadala ang mga kita ng kanyang illegal business.’’
“Pero may suweldo naman si Raul sa pagtatrabaho sa HQ?â€
“Meron po Mam.â€
“Kapag umuuwi siya anong kinukuwento sa’yo ni Raul.â€
“Hindi po gaanong nagkukuwento. Parang nililihim ang mga nangyayari sa kanyang trabaho.’’
“Hindi nasasabi kung anong klaseng negosyo ang inu-operate ni Pac.’’
“Hindi po, Mam.’’
Napatango na lang sina Jinky at Dick.
Hanggang ipasya ni Jinky na ipagsama na ng oras ding iyon ang mag-ina sa kanyang malaking bahay. Bibigyan na niya ito ng trabaho. Tuwang-tuwa si Norma.
MULA nang sabihin ni Jinky na si Dick na ang mamamahala sa itikan, lalo pa itong nakaisip nang maraming paraan para mapaunlad ang negosyo.
“Magseseminar ako ukol sa duck raising at iba pang negosyo na may kaugnayan dito. Gusto ko, tayo ang may pinaka-malawak na itikan sa buong bayan ng Socorro.’’
Nakangiti si Jinky.
“Kapag nagawa mo ‘yan tatawagin kitang “ITIK KING’’ ha-ha-ha! (Itutuloy)
- Latest