GAWING kakaiba ang paraan ng paghahanda sa pagkain upang maging kasiya-siya ang lasa kahit ito ay simpleng pagkain lamang.
Kornik
• Magtimpla ng sukang may sili at asukal. Dito ibabad ang kornik ng 5 minutes saka kainin.
• Sa sobrang sarap, baka mainom mo pati ang sukang pinagbabaran ng kornik.
Pansit Bihon
• Sa halip na calamansi juice, ang ilagay ay sukang tinimplahan ng sili, suka at kaunting asin.
Camote Fries
• Piliin ang camoteng kulay yellow orange. Ito kasi ang malaki ang tsansang maging mayabo.
• Hiwain nang pahaba, parang potato fries. Iprito sa mara-ming mantika.
• Budburan ng barbecue powder.
Sawsawan ng French Fries/ Camote Fries/Nachos:
• Pagsamahin ang cheese whiz, milk powder, white sugar at garlic powder. Tantiyahan na lang ang dami, depende sa inyong panlasa.
Corned Beef
• Maglagay ng kaunting mantika sa kawali. Ilagay ang corned beef. Tustahin. Ilagay sa plato.
• Maglagay ng kaunting mantika sa kawali. Ilagay ang hiniwang puting sibuyas. Habang ipiniprito ang sibuyas, budburan ng white sugar. Kapag nag-caramelized, alisin sa kawali. Ilagay sa ibabaw ng corned beef o ihalo mismo sa corned beef.
• Iulam sa kanin ang toasted corned beef na hinaluan ng kaunting toyo na maraming calamansi juice.