SANGGOL, NALIBING NANG 24 NA ORAS, NAKALIGTAS! — Nangyari ito noong 2006 sa isang maliit na bayan sa southern part ng Brazil. Isang sanggol na lalaki ang nakaligtas sa kamatayan makaraang ilibing nang buhay sa isang hukay. Ang naglibing umano sa sanggol ay ang sarili nitong ina na nakilalang si Lucinda Ferreira Guimarгes, 40-anyos. Gayunman, itinanggi ni Lucinda ang paratang. Hindi raw niya magagawa iyon sa sariling anak.
Natagpuan ang sangÂgol makaraan ang 24 na oras. Nang matagpuan, tanging ang ulo lang ng sanggol ang nakalitaw. NakaÂkabit pa umano ang pusod (placenta) ng sanggol. Puro putik ang mukha at katawan ng sanggol.
Nang maalis ang putik sa bibig ng sanggol ay bigla itong umiyak nang malakas. Dinala sa ospital ang sanggol at stable na ang kalagayan.
Hinanap ng mga pulis si Lucinda. Itinanggi nitong inilibing niya ang anak. Hindi raw niya magagawa iyon. Gayunman, sinabi ng mga kapitbahay ng babae, na nakita nila nang nakaraang araw na duguan ang damit nito at maliit na ang tiyan. Hinala ng mga pulis, inilibing ng ina ang sanggol para mabawasan ang pakakainin. Umano’y lima na ang anak ng babae.