^

Punto Mo

Tanong sa baking at pagnenegosyo

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“Hi Wannabet di po ba baker ka? Bakit po bumabagsak ang icing ng cupcake ko? Di ko po makuha ang tamang consistency at sobrang tamis. Tips naman po. --Lhen of Commonwealth QC”

Ang general rule at measurement ko sa paggawa ng basic na buttercream icing o frosting ay one is to one ang powdered sugar at butter. Para hindi malusaw ang icing, maaaring isubstitute ang tinatawag na shortening kaysa butter. At room temperature kasi, ang butter ay lumalambot at nalulusaw in time. Pero ang shortening ay nananatiling solido kaya magho-hold ang icing. Maaari ka ring magdagdag ng ibang flavor sa icing gamit ang extracts o kaya mga jams.

“Hi Bet! Yung business mo ba matagal pinag-isipan bago itinayo kaya naging matagumpay? Ang anak kong lalaki ay hilig ang pagluluto at pagbi-bake at gusto niyang magkaroon ng maliit na bakery o cafe o coffee shop. Kaso wala siyang background sa business. Willing akong i-finance siya kaso natatakot akong baka hindi ma-manage ng tama at malugi kami. Ano ang maipapayo mo? Mommy I of Navotas.

Nagsimula ang negosyo ko sa passion mag-bake. Tatlong taon akong nagbake lamang para makasubok ng recipes at pinapamigay ko lang din sa mga kaibigan at pamilya. Pero dumating sa punto na naisip ko na mapagkakitaan nga ang hobby na ito. Ako ay wala ring background sa business management pero very willing akong matuto at pag-aralan kung paano gumawa ng costing at magpatakbo ng munting negosyo. Ang maipapayo ko, huwag maging negatibo. Sa lahat ng bagay, lalo sa negoayo ay may risk. Kausapin ang anak at ipaalam ang itensyon na i-finance ang kanyang negosyo. Kunwari ay partners kayo o investor ka lang. Mapagtutulungan ninyo iyan basta planuhing maigi. Kung wala naman kayong hinahabol na target date, take your time carefully planning your business. Magbasa, dumalo sa seminars at kumunsulta sa mga may karanasan na sa pagnenegosyo. Ipagdasal ang itatayong negosyo.

“Puwede ko bang idemanda ang isang dating tauhan na pinirata ng aking­ kalaban at dinala ang aking­ mga recipe at ngayon ay ibinebenta na rin nila tapos tinapatan pa ko sa sinalihang bazaar. Ano ang aking gagawin?---Dennis ng CDO”

Patawarin mo siya. Alam kong masakit dahil tinraydor ka niya pero hindi makakatulong ang negatibong feelings upang makausad ka.

Gawin mo itong challenge upang bumuo ng mga bagong recipe. Huwag isiping gumanti at baka lumala ang pag-aaway n’yo.

Tandaan na anuman ang gawin mo sa kapwa, mabuti o masama ay babalik sa iyo.

vuukle comment

ALAM

ANO

BAKIT

GAWIN

HI BET

HI WANNABET

LHEN OF COMMONWEALTH

MOMMY I OF NAVOTAS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with