^

Punto Mo

‘Bullying’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKAAALARMA ang tumataas na porsyento ng mga nabibiktima ng bullying sa personal at sa cyberspace o internet!

Ito ‘yung panduduro, emosyunal, pisikal at berbal na pananakit  sa pamamagitan ng pami-mwersa, pang-aabuso at intimidasyon ng isang tao o grupo sa kanilang mga target na kadalasang nauuwi sa sakitan, depresyon at pagpapakamatay.

Lahat maaaring maging bully. Lahat, pwedeng maging biktima ng mga taong alam nilang mas mahina sa kanila o ‘di naman kaya, mas mababa ang designasyon o estado sa lipunan. Nangyayari ang bullying sa loob mismo ng tahanan, paaralan, mga pribado at pampublikong mga opisina at tanggapan, at sa komunidad.

Sa mga paaralan, karaniwan sa mga bully ay ‘yung mga sisiga-sigang estudyante sa kapwa nila estudyante. Minsan naman, palibhasa guro o propesor, ipinapairal ang power tripping sa kanilang mga nasasakupan at mga mag-aaral.

Maraming kaso ng bullying ang naidokumento na ng BITAG. Maaaring magkakaiba ang paraan pero ang tanging layunin ng kanilang aktibidades ay ang makapanira at makasakit ng kanilang target. Ayon sa Psychological Association of the Philippines, maraming sanhi ang pagiging bully ng isang tao.

Una, maaaring naging biktima na rin ng pambu-bully ang isang indibidwal kaya naghihigante sa ibang tao. Pangalawa, posibleng likas na barubal at bastos o di naman kaya ay gusto laging maging bida kaya isinasagawa ang pambu-bully! Abangan ang mga komprontasyon ni BITAG sa mga walang ibang inatupag kundi ang mam-bully ng mga pobreng indibidwal! Mag-log-in sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com.

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

ABANGAN

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

KALAW HILLS

LAHAT

PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with