Lampong (320)

MAHAL ni Jinky si Tanggol. Hindi niya maaaring dayain ang sarili. Ngayon lang siya nakadama ng ganitong damdamin at alam niya ito ang tinatawag na pag-ibig. Marami na rin siyang nakarelasyon sa Maynila noong estudyante pa lamang siya pero wala siyang nadama. Maski ang nakabuntis sa kanya ay wala siyang naramdaman. Pinagsisihan na niya ang mga nangyaring iyon dahil sa kapusukan at pagkunsinti na rin ng kanyang tiyahin  na si Puri. Napasama pa siya dahil naging masamang halimbawa ang kanyang tiyahin. Kung hindi namatay ang kanyang tiyahin, magkasama pa kaya sila sa bahay. Sa pagbabalik-gunitang iyon ay saka naalala ni Jinky ang lalaking nakarelasyon ng kanyang Tita Puri --- si Dick. Nasaan na kaya ang Dick na iyon? Naalala niya, ilang beses niyang  tinangkang tuksuhin si Dick pero hindi siya nagtagumpay. Matibay ang pagmamahal ni Dick sa kanyang Tita Puri kaya hindi niya ito nagawang agawin. Saka bigla niyang naisip, parang may pagkahawig si Tanggol at si Dick. Pero agad naman niyang binawi ang naisip. Hindi. Malayong magkamukha ang dalawa.

Nagulat si Jinky sa biglang paglapit ng doctor.

“Mam, tapos na pong ope­rahan ang pasyente. Nakuha na ang bala sa tagiliran.’’

“Puwede na po ba siyang kausapin, Doktor?”
“Hindi pa. Kailangang ma-galing na magaling ang sugat niya.’’

‘‘Sige po Doctor.’’

“Siyanga pala may sugat ang pasyente sa ulo kaya inoperahan namin. Ginupit namin ang mahaba niyang buhok.”

“Okey lang po Doktor. Gawin mo po ang lahat para makaligtas siya.’’

“Iyon po ang aming gi­nagawa Mam. Sinisikap namin ang lahat.’’

“Malaki po ba ang sugat sa ulo, Doktor?’’

“Hindi naman malaki. Sa aming pagsusuri maaa-ring nabagsak ang ulo ng pasyente sa isang matigas na bagay.’’

Nagpaalam na ang doctor.

Nag-iisip naman si Jinky sa mga maaari pang mangyari sa kanila ni Tanggol.

(Itutuloy)

Show comments