^

Punto Mo

Uyami (2)

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANO ba talaga ang totoo ha, CIDG director Chief Supt. Frank Uyami Jr. Sir? Kaya ko naman naibato ang katanungang ito kay Gen. Uyami ay dahil napuna ko na iba ang sinasabi niya samantalang iba rin ang nangyayari sa kalye. Nag-utos kasi si Uyami mga kosa na arestuhin ang mga tong collector tulad nina Dodjie Lasierda, Ryan Lorenzo at Romy Tolentino alyas Django para huwag na silang pamarisan pa. Naniniwala kasi si Uyami na kapag naaresto, makasuhan at makulong sina Lasierda, Lorenzo at Tolentino, maisulong nya ang “no take, no contact” policy niya. Subalit ilang oras pa lang kami nag-usap tungkol sa kautusan niya na ipinaaresto sina Lasierda, Lorenzo at Tolentino, humahangos na nag-report ang aking espiya sa Calabarzon na si Lasierda na ang kolektor hindi lang ng opisina ni Uyami kundi maging ng intelligence, operations at I-7 ng CIDG sa Camp Crame sa illegal gambling at iba pang pagkakitaan sa Southern Tagalog. Mukhang na double talk lang ako ni Uyami ah. Kayo na ang maghusga mga kosa kung nagsasabi ng totoo si Uyami.

Kung sabagay, matagal nang pinapaikutan nina Lasierda, Lorenzo at Tolentino ang “no take, no contact” policy ni Uyami. At hanggang sa ngayon, malayang umiikot ang tatlong bugok sa mga pasugalan at beerhouse sa Calabarzon area at hindi natatakot sa mga raiders ni Uyami. Si Lorenzo ang napabalitang ginamit ng CIDG sa Camp Crame para mangolekta ng lingguhang tong sa mga pasugalan subalit sa bandang huli nasulot siya ni Lasierda, na gamit din ng opisina nina Calabarzon police director Chief Supt. Pompom Estipona, CIDG Reg.4-A chief Sr. Supt. Pedro Cabatingan, NBI at GAB. Si Tolentino naman ay miniting ang mga beerhouse owners at operators sa Biñan at San Pedro sa Laguna at tinokahan sila ng P3,000 weekly payola. Ang presidente ng samahan na si Danny Franis ang kausap ni Tolentino at ang mag-iikot sa mga puwesto ay itong si alyas Eric.  Hayan, may giya na si Uyami kung paano aarestuhin ng mga bataan sina Lasierda, Lorenzo at Tolentino.

Naniniwala naman ako na talagang “no take” si Uyami sa mga pasugalan. Milyon kasi ang kinikita ng pamilya ni Uyami sa negosyo nila bilang supplier ng baril at bala at hindi na niya kailangang dungisan pa ang mga kamay niya para kumita ng limpak na pera. Subalit hindi nakasisiguro si Uyami kung ang opisina ng mga bata niya tulad ni Supt. Ariza ng SRU, ang intelligence, operation at I-7 ay no take din. Ang kalat kasi sa kalye, no talk lang itong sina Ariza at mga alipores niya. Ang ibig kong sabihin, kumokolekta rin ng weekly payola ang ibang opisina ng CIDG at maaring walang nakarating sa bulsa ni Uyami. Ang kaigihan lang, hindi garapal ang mga kolektor ng CIDG sa ngayon, get’s n’yo mga kosa?

Sinabi pa ni Uyami na magre-resume ang kanilang kampanya laban sa lahat ng uri ng sugal pagkatapos ng midterm election. Kapag kaliwa’t kanan ang maisagawang raid ng CIDG, ibig sabihin n’yan negatibo sila sa akusasyon na tumatanggap sila ng weekly payola. Kapag nanahimik na lang sila, ibig sabihin balik ligaya na naman ang CIDG, di ba mga kosa? Pero bago ang lahat, puwede ba na arestuhin n’yo muna sina Lasierda, Lorenzo at Tolen-tino, Gen. Uyami, Sir? At walang bola-bola kamatis ha? Abangan!

CALABARZON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CIDG

LASIERDA

LORENZO

TOLENTINO

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with